^

Pang Movies

Shaina pinagseselosan ni Sarah?!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Naaliw ako sa tsikahan ng dalawang senior showbiz persona­lity.

Ang mga issue kay Sarah Geronimo ang topic ng kanilang tsikahan. Sabi ni much older senior showbiz personality, mukhang pinagseselosan daw ni Sarah si Shaina Magdayao.

“Ha?! Bakit naman?!” sagot naman ni much  senior showbiz personality.

“Hindi ba palagi silang magka­sama ngayon dahil may pelikula sila, ‘yung Single/Single?!” paniniguro naman ni much order senior showbiz personality.

“Talaga? Grabe naman ‘yan!” sabi naman ng kausap.

Ako naman, natawa na lang at ang self-baloon ko ay, “Ano kaya ang masasabi ni Shaina at pati siya, nadadamay na sa mga issue kay Sarah?!”

‘Kaloka lang dahil magkasama sina Shaina at Matteo ay idinadamay na ng iba ang una tungkol sa mga issue sa girlfriend ng huli, ‘noh?!

Anyway, hindi naman puwedeng sabihing gimik para sa Single/Single: Forever Is Not Enough ang speculation na ‘yon ni much older senior showbiz personality, huh!

Ang Single/Single: Forever Is Not Enough naman ang tipo ng pelikulang hindi kailangang gumimik pa para mapag-usapan dahil in fairness, maganda ang reviews sa pelikulang ‘yon nina Matteo at Shaina.

Christian nagtitipid sa kasal?!

May nagsasabi na hindi naman talaga imbitado si Christian Bautista sa wedding ng ex-girlfriend na si Rachelle Ann Go kay Martin Spies noong April 18 sa Boracay island dahil intimate nga lang daw ang kasalang ‘yon.

So, sa Bali, Indonesia wedding ni Christian on November 17, puwede na rin bang sabihing hindi rin invited si Rachelle Ann dahil intimate rin lang daw ‘yon?

Just asking!                                                        

Solenn puro trabaho

Pabalik na sa bansa si Solenn Heussaff mula sa GMA Pinoy TV event sa Dubai, United Arab Emirates at kahit umalis nga siya ng Pilipinas ay panay naman ang promote niya sa social media ng pelikulang My 2 Mommies ng Regal Entertainment.

Pagbalik niya ay magpapaka-busy na agad si Solenn sa kaliwa’t kanang promotions para sa pelikula nila ni Paolo Ballesteros, kaya tahimik lang si Mother Lily Monteverde kahit umalis siya ng bansa dahil noon pa naman ini-schedule ng GMA 7 ang Dubai show na ‘yon, huh!

Siya nga pala, pati ang mister ni Solenn na si Nico Bolzico ay naaaliw sa pelikula ng misis. Type na type ni Nico ‘yung teaser ng  kung saan nagtatalo sina Solenn at Paolo kung sino sa kanila ang mommy ng batang bida.

Oo nga pala, sa tuwing iniinterbyu ng press si Solenn tungkol sa My 2 Mommies ay natatanong siya palagi kung kailan nga ba siya magiging mommy, pero palagi namang sinasabi ng sexy actress/singer na hindi pa ngayon ang right time para magka-baby.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with