^

Pang Movies

Matteo excited nang salubungin si Sarah

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Isang show na lamang sa May 6 sa Canada at babalik na sa bansa si Sarah Geronimo.

And no need to tell you kung gaano ka-excited si Matteo Guidicelli na i-welcome back ang kanyang girlfriend.

Ibinalita ni Matteo na nang makausap niya si Sarah sa telepono ay in-assured siya nito na okay na siya.

Paulo mas gusto sanang maging pulis

Ini-revel ni Direk Jason Paul Laxamana sa presscon ng soon-to-be released Regal Entertainment movie So Connected, na  personal niyang pinili si Paulo Angeles, sa karakter na ginagampanan nito.

Gut feel lang daw obviously ang umiral sa kanya dahil hindi naman daw niyang personal na kakilala si Paulo.

Ang So Connected ay pinagbibidahan first time team-up nina Jameson Blake at Janella Salvador.

Tulad ni James, ‘di pa siya gaanong nagtatagal sa showbiz. So far daw, ang maituturing niyang kanyang biggest break ay ang napasama siya sa Love You To The Star and Back, na pinangunahan nina Julia Barreto at Joshua Garcia at kumita sa takilya.

Natawang binanggit ni Paulo na hindi niya talaga pinangarap na pumasok sa showbiz.

Type niya na maging isang pulis, tulad ng kanyang namayapang lolo, na namatay sa isang encounter.

Nadiskubre daw niya ang talent sa pag-arte at pagsasayaw nang mapabilang siya sa Star Magic, ang talent arm ng ABS CBN.

Kasama rin si Paulo sa cast ng Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi, na tinatampukan nina JM de Guzman at Barbie Imperial.

Si Ysabel Ortega ang ka-loveteam ni Paulo sa said series.

Of Ysabel, nakaka-touch ‘yong naging reaction niya sa tanong kung kamusta na ang kanyang tatay na si Lito Lapid.

Bigla na lamang siyang naiyak. Mabuti na lang at kaagad ay may nag-abot sa kanya ng tissue paper.

Si Ysabel ang anak ni Senator Lito sa former actress na si Michelle Ortega, who just recently married someone na close kay President Digong Duterte.

Parang tunay na anak daw ang trato sa kanya ng kanyang step-father. At nakikita rin daw niya, na mahal na mahal nito ang kanyang ina.

Second teleserye ang Araw Gabi ni Ysabel, who speaks fluent English, ha. Una siyang napanood sa On The Wings of Love kasama sina Nadine Lustre at James Reid.

Kathniel magsasalita ng Spanish 

Speaking of love teams, how nice to hear na ang katatapos na serye nina Kathryn Bernardo at Da­niel Padilla na La Luna Sangre ay mapapanood na rin sa Myanmar at iba pang lugar sa Latin America. Sa nabanggit na panoorin, they will be speaking in Spanish.

Star, ‘di ba?

Malapit nang mag-shooting ang KathNiel ng bago nilang movie na The Hows of Us, reuniting them with direk Cathy Garcia, at the helm.

Katu-turn 23 ni Daniel last April 26 at hanggang ngayon ay tahimik pa rin si Kathryn sa kung anong iniregalo niya kay Daniel.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with