^

Pang Movies

Luis at Jessy ikakasal na?!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Luis at Jessy ikakasal na?!
Jessy Mendiola at Luis Manzano

Marami ang naniniwalang sina Luis Manzano at Jessy Mendiola na ang magkakatuluyan.

May iba pa na nagsasabing malamang na magpakasal na this year o next year ang dalawa.

Kitang-kita raw kasi kung gaano kamahal nina Luis at Jessy ang isa’t isa.

May mga nagsasabing malapit si Jessy sa nanay ni Luis na si Representative Vilma Santos-Recto dahil madalas na nakakasama ang dalaga kapag nagdi-dinner ang mag-ina. Pati si Edu Manzano ay kilala si Jessy.

May malapit din sa pamilya ni Jessy ang nagkuwento sa akin na gusto ng pamilya ng dalaga si Luis.

Puro nga raw mga papuri ang maririnig sa pamilya ni Jessy kapag si Luis ang topic ng usapan.

Sarah biglang naging positive ang awra!

Bumilib ang mga tao behind This 15 Me US Concert Tour kay Sarah Geronimo nang dumating na sila sa New York City para sa sponsors night nila roon dahil sobrang refresh na raw ang Popstar.

Kung matatandaan, naging controversial si Sarah dahil sa kanyang near breakdown sa kanyang Las Vegas show.

Kung anu-anong speculations nga ang lumabas dahil sa “eksenang” ‘yon ni Sarah.

Pero nang nasa New York na nga sila, sobrang napanganga raw ang mga kasama niya sa girlfriend ni Matteo Guidicelli dahil pagbaba raw ng hotel ay sobrang ganda ni Sarah at parang walang kahit na anong problema at depression.

Naka-pink floral dress si Sarah at very positive rin ang kanyang aura, kaya natuwa naman ang mga kasama niya roon.

“Parang wala lang, parang hindi ko mababakas ‘yung nangyaring pag-iyak niya sa Las Vegas concert niya. Parang wala siyang problema. Parang walang depression. Very positive ang aura niya, kaya tuwang-tuwa naman kami.

“Pati sa meet and greet niya sa isang restaurant sa Queens, okey na okey ang dating niya. Tawa pa nang tawa si Sarah. Smile lang siya nang smile kapag kinakausap ng mga tap. Parang wala rin siyang kapaguran habang may mga nagpapa-picture.

“Matutuwa ka talaga sa kabaitan ni Sarah.

“Kami naman dahil mukhang masaya nga si Sarah, wala nang nagtanong pa kung okey na ba siya. Kung naka-recover na ba siya sa nara­mdaman naming depression niya sa Las Vegas concert. So, feeling namin, pagdating sa Chicago, mas okey pa siya,” sabi pa ng nakausap ko kahapon.

As you read this, malamang na nasa Chicago na si Sarah at bukod sa concert doon ay may sponsors night din sila at saka sila babalik sa New York para sa last show naman ng kanilang US concert tour.

“Siguro nakapagpahinga na rin si Sarah. Recharged na siya, kaya hindi na rin emotional ang dating,” dagdag pa ng aning kausap.

Wedding ni Christian, super small lang

Sa November 17 pa pala ang Bali, Indonesia wedding ni Christian Bautista at ng fiancé niyang si Kat Ramnani. Small wedding lang daw ‘yon at piling-pili ang mga imbitado.

Sometime in December naman daw ay magkakaroon ng reception for friends and family sa isang iconic hotel dito sa Manila. Hindi pa masyadong nagkukuwento si Christian ng mga detalye tungkol sa nalalapit nilang kasal ni Kat.

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with