^

Pang Movies

John kinontrata na ng GMA!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
John kinontrata na ng GMA!
John Estrada

Opisyal nang Kapuso artist si John Estrada. Inilabas na sa Instagram ng GMA 7 PR ang photo ng aktor matapos niyang pumirma ng exclusive contract kahapon.

Wala pang inilabas na detalye sa pagiging Kapuso ni John. Sa contract signing, present si Lilybeth Rasonable, Redgie Acuna-Magno at iba pang executives ng Entertainment Content Group.

Kasama na ni John sa GMA ang ex-wife niyang si Janice de Belen na napabalitang babalik ulit ng Dos at anak na si Inah.

Teka, humahaba yata ang listahan ng Kapamilya stars na naglulundagan sa Kapuso, huh!

Piolo ayaw makialam sa launching movie nina Maris at Inigo

Kasado na ang first movie together ng love­team nina Inigo Pascual at Maris Rascal. Base sa title nito na #Millenial, halatang tungkol sa millenials ang kuwento nito.

May pasilip ang Springs Films, producer ng movie, sa ginawang workshops nina Inigo at Maris. May cheesy fotos din silang dalawa na na ikakikilig ng fans.

Of course, walang kinalaman si Piolo Pascual, ama ni Ini­go, sa launching movie ng anak at kapareha, kahit isa siya sa producers ng Spring Films dahil hindi naman niya solo ang production company, huh!

Dingdong parang professional photog

Kulitan mode ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa mga komento nila sa Instagram habang sini-celebrate ang kanilang 40th month of wedding.

Siyempre pa, sa beach nagtampisaw sa kaligayahan ang mag-asawa kasama ang anak na si Zia, Nagsilbing fotog naman si Dong sa mag-ina.

Sa isang pic ni Yan na backless ang suot na swimsuit, may nakalagay sa hat niya na sunkissed, pati na sa caption nito. Umarya si Dong ng komento na, “Sunkissed ka diyan. Dongkissed kami...”

Hinangaan din ang shot ni Dingdong sa foto ni Zia na nasa ibabaw ng kabayo habang palubog na ang araw.

“Beautiful shot!!!” komento ni Bianca Gonzales.

Pawang heart emojis naman ang inilagay nina Bettina Carlos, Shry Valdez at iba pa sa kuha na ‘yon ni Dong kay Zia.

vuukle comment

JOHN ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with