^

Pang Movies

Bea pumiyok na mas gustong kasama ang pamilya kesa kay Gerald!

Mae Mercado - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang magkasunod na pelikula na ang natapos na ni Bea Alonzo, ito ay ang Kasal, kung saan leading man niya sina Derek Ramsay at Paulo Avelino at ang first horror film niya kasama si Ms. Charo Santos na may pamagat na Eerie (na magpe-premiere rin daw sa Korea matapos manalo ang script nila sa ang isang filmfest doon).

Huling pelikula pa ni Bea ay ang How to Be Yours kasama si Gerald Anderson. At sa teleserye - ang A Love To Last ang huli niya kasama sina Ian Veneracion at Iza Calzado.

Anyway, nung isang araw ay pumirma siya ng kontrata sa Sta. Lucia Land Inc. bilang brand ambassador nito sa pangatlong magkakasunod na taon.

“It feels good kasi parang family na rin sila sa akin. Maganda ang relationship ko with the company. Even before they got me as their endorser, nag-invest na ako. As in ‘yung first house ko, Sta. Lucia ang developer. If I’m not mistaken, 2004 ‘yung first house ko. Kaya nung kinuha nila ako, sinabi ko ‘yan kasi maganda rin ‘yung experience ko as a buyer. So gusto ko kapag nag-endorse ako ng produkto o ng company, syempre gusto ko  ‘yung na-experience ko at masi-share ko,” kuwento niya.

Dahil sa sunud-sunod na movie projects, may oras pa kaya siya para sa pamilya at pag-ibig?

“Puro work ‘yung focus ngayon... parang sa ngayon hindi ko pa ‘yan nabibigyan ng pansin ‘yan kasi everyday akong nagtatrabaho,”  sagot niya nang aming tanungin kung kamusta naman ang kanyang lovelife.

Matatandaang nagkaroon sila ng tampuhan ng kanyang rumored boyfriend na si Gerald matapos ang showing ng pelikula nito kasama si Pia Wurtzbach na My Perfect You. Nagkaroon ng usap-usapan noon na naghiwalay daw ang dalawa dahil kay Pia at nag-unfollow din si Bea sa IG ng aktor. Nilinaw naman ni Gerald na nagkaroon lang sila ng ‘di pagkakaintindihan, kasabay nito ang pag-follow ulit ni Bea sa kanya at pagsunod nito Europe kung saan din siya nagbakasyon.

Ayon kay Bea, madalas daw ay nagi-guilty na siya sa kanyang pamilya dahil ‘di na raw niya ito madalas makasama kaya gusto niya itong bigyan ng mas mahabang oras ngayon. “Nagbakasyon kami sa Japan... buti nga naisingit ko kasi minsan naiisip ko nagiging unfair din ako sa kanila (sa pamilya),” pahayag ng aktres na sa tuwing binabanggit ang tungkol sa kanila ni Gerald ay paiwas ang sagot niya.

Samantala, sa June ay makakasama niya si Aga Muhlach sa isang heavy drama film ayon sa kanya, at mamamalagi sila ng isang buwan sa Vancouver, Canada kung saan kukunan ang majority ng mga eksena ng pelikula na hindi niya nabanggit kung anong title.

            

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with