^

Pang Movies

Tom nakaka-relate sa ginawa kay Jennylyn

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Tom nakaka-relate sa ginawa kay Jennylyn
Tom

Malapit sa puso ni Tom Rodriguez ang bago niyang primetime series sa GMA 7, ang The Cure na tungkol sa paghahanap ng gamot na magiging lunas sa cancer.

“Thankful po ako sa GMA 7 na sa akin ibinigay ang role ni Gregory Salvador (isang worker sa Clinical Research Associate in an international pharmaceutical laboratory),” kuwento ni Tom. “Kaya itong teleserye namin, iniaalay ko sa father ko, dahil napagdaanan ko rin ang hirap sa paghahanap ng cure sa sakit ni papa, cancer of the lungs, kaya itong serye namin, dedicated ko ito sa kanya. Nag-promise rin ako sa GMA na gagawin ko ang lahat, kahit mahihirap na eksena, para mapaganda namin ang epidemic serye. Dito nga mapapalaban ako ng action scenes nang magulo na ang buong kapaligiran.

“It’s nice to work with Jennylyn Mercado as my wife, first time naming magtambal, at sa iba pang members of the cast na iyong iba, ngayon ko rin lamang nakasama sa isang project.”

Masaya ang buhay niya (Tom) with my wife Charity (Jennylyn Mercado) at ng daughter nilang si Hope (Leanne Bautista), until na-diagnosed ang mother niya with stage 4 pancreatic cancer. Hindi niya matitiis makita ang mother na nahihirapan sa sakit niya kaya iyong na-discover na experimental drug ni Dr. Evangeline Lazaro (Jaclyn Jose) ay kinuha niya at isinaksak sa mother niya (Agnes, played by Irma Adlawan). Pero too late na nang ma-realize   na mali pala ang ginawa niya dahil naging cause ito ng epidemic hindi lamang sa city kundi sa buong bansa.

Directed by Mark Reyes, kasama rin sa cast sina Mark Herras, LJ Reyes, Jay Manalo, Ronnie Henares, Glenda Garcia, Diva Montelaba, Arra San Agustin at in a special role, si Ken Chan. Tomorrow, Monday, April 30, mapapanood na ang The Cure pagkatapos ng 24 Oras.

vuukle comment

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with