^

Pang Movies

Martin nakaraos na sa Born...

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Martin nakaraos na sa Born...
Martin del Rosario

Thankful si Direk Perci Intalan na natapos na rin niya ang taping ng TV series na Born Beautiful for Cignal TV.  Nandoon kami sa unang test shots ni Martin del Rosario as Barbs at naroon din si Paolo na todo suporta after ng success ng kanyang Die Beautiful na dinirek ni Jun Robles Lana

Hindi si Martin ang original choice sa role ni Barbs, pero biglang nag-back-out ang first choice nila na si Christian Bables dahil gusto nitong unahin ang isa pang project na mas huling in-offer sa kanya. (Nasaan na ba ngayon si Christian Bables, wala nang balita sa kanya.)

Si Martin ang naisip nina Direk Perci at Direk Jun na naipag-produce na nila ng movie sa kanilang The Idea First Company, ang Ang Manananggal sa Unit 23B. No problem kay Martin kung second choice siya dahil napanood niya ang Die Beautiful na sa pagtatapos ng story ni Trisha, papasok naman ang story ni Barbs.

 Marian aapir kay lola

Role ng isang prin-sesa naman ang gagampanan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa Sunday, April 29.

Nagsimulang mapanood ang fantasy-drama anthology last April 30, 2017, hosted by Ms. Gloria Romero at nagustuhan agad ito ng mga batang manonood dahil nagtatampok ng magagandang story na nagtuturo ng magandang aral sa kanila.

Napapanood ang Daig Kayo Ng Lola Ko pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang Lip Sync Battle Philippines.

vuukle comment

MARTIN DEL ROSARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with