^

Pang Movies

Young female personality na sikat, confirmed na balahura ang bibig

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Grabe naman itong young female personality na madalas mapanood sa i­lang TV shows at mga pelikula. Marami ang nagsasabing hindi siya ganoon kagaling umarte pero kaya siya sumikat ay dahil maganda siya kaso bulahura ang bibig! Mahilig pala siyang magmura.

Nagulat nga din kami dahil hindi namin akalaing lalabas ‘yon sa bibig ng isang napakagandang dalaga. Ewan namin kung expression lang ba niya talaga lalo na kapag nagugulat siya pero sana aware siya na hindi magandang tingnan lalo na’t maraming kabataan ang umiidolo sa kanya.

Aiza at Liza, sobra ang ka-sweetan!

Lalanggamin sa ka-sweetan ang mag-partner na sina Liza Diño at Aiza Seguerra dahil kahit saan silang dako mapadpad o kahit saang sulok makarating, kesehodang maraming tao ang nakatingin sa kanila, waley silang kyems, very proud sila sa relasyong matagal nilang inaalagaan.

Recently nag-post si Aiza ng picture nilang mag-asawa sa kanyang Instagram account na magkahawak ang kamay na may caption na, “Ang sarap ng umaga basta kasama si misis. Kahit traffic, kahit wala pang almusal, ok lang.”

Oh diba? Ang tamis! Sino ba naman ang hindi hahanga sa mag-asawang Aiza at Liza, kitang-kita mo kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Ika nga nila, ang pag-ibig ay walang pinipiling gender! Bata pa noon si Aiza nang pumasok siya sa showbiz. Never nilang   nakitaan na ito’y magiging matikas pala at pusong lalaki.

Hindi namin malilimutan nang nagpa-presscon siya sa Star Awards for Music sa kategoryang Best Child Star. Napakadaldal na bata at matalino. Nakaupo siya sa podium para maging mataas siya, kamuntik na kaming matumba nang kargahin ko siya pero mabilis siyang nakatayo. Sus, parang lalaki! At heto na nga siya ngayon, ang respetadong dyowa ni Liza Diño!

Joy kahanay ng magagaling na kababaihan

Nabanggit ko noon na napakaraming female mayor sa iba’t ibang siyudad na napakagaling magpalakad ng kani-kanilang mga community katulad na lamang nina Lani Mercado ng Bacoor, si Maita Sanchez ng Pagsanjan, si Cong. Arlene Arcillas ng Santa Rosa at si Gina Gomez ng San Juan. Pagkatapos ng term ni Mayor Herbert Bautista ng Quezon City na tatakbo for senator, natural na ang tatakbong mayor ay walang iba kundi ang kanyang vice ngayon na si Ms. Joy Belmonte! Oh, ‘di ba? Dito na tayo sa siguradong may maayos na serbisyo.

vuukle comment

LIZA DIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with