^

Pang Movies

Pakikipaglaro sa aso ang iginanti Korina pinupuri sa ‘di pagpatol kay Kris!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Pakikipaglaro sa aso ang iginanti Korina pinupuri sa �di pagpatol kay Kris!
Korina

Naghihintay kami ng official statement mula kay Korina Sanchez bilang sagot niya sa matitinding sinabi ni Kris Aquino sa kanya pero up to now ay walang inire-release ang broadcast journalist at mukhang wala na siyang balak pa.

Tila wala rin sa mood ma­kipag-away si Korina dahil ang mga posts niya since Monday ay puro positivity matapos maglabas ng galit sa kanya si Korina.

Last Monday ay nag-post siya ng larawan niya na masayang-masayang nakasakay sa carousel. Maya-maya ay nag-post naman siya ng short vid featuring her at sa caption ay inilagay niya na ang kailangan daw ng mundo ngayon is to spread love and positivity.

Nag-post din si Korina kahapon ng larawan niya habang nakikipaglaro sa mga aso niya at ang caption naman niya, “having the best time with my babies early in the morning. Fun and compassion can go together. Our #BestLife is within our reach.”

Inulan ng katakut-takot na positive comments ang post ni Korina at suportado ng kanyang mga followers ang kanyang pananahimik.

“Silence is the best reply to a fool,” komento ng isang netizen.

Ipinagtanggol din si Koring ng mga supporters sa sinabi ni Kris na wala siyang anak at hindi nabigyan ng chance na maging mother. Ang depensa nila, wala mang anak si Korina ay may mapagmahal na asawa naman at ito ang lamang niya kay Kris.

Sa totoo lang, sa rami ng tagapagtanggol ni Korina at nagba-bash kay Kris, tila hindi na niya kailangan pang sumagot pa sa kaaway na aktres/TV host. Of course, meron din siyang mga bashers pero ni isa ay wala rin siyang sinasagot na para sa amin, tama lang naman.

Dina payag mag-try sa bagets!?

Okay na okay kay Dina Bonnevie kung sakaling matutuloy ang plano ni direk Joel Lamangan na pagsamahin sila ulit ng mga nakasama niya sa Underage na sina Maricel Soriano at Snooky Serna, and this time ay may titulo namang Overage.

Aliw na aliw si Dina sa title pa lang lalo na nang ikuwento sa kanya ng press na ang role nila ay mga cougar silang tatlo at may mga younger men na kapareha.

“Overage?” amazed na amazed na sabi ni Dina, “nakakatawa ‘yun” sabay-tawa. “Pero maganda ‘yun, why not? Ako I’d love to do that.”

Kwento pa niya, “kasi dapat magkasama kami ni Maria in one soap, eh, pero hindi natuloy.”

Okay naman sa kanya ang role na cougar na may leading man na mas bata?

“Okay lang, kasi in truth, marami namang nagkakagusto sa aming mas bata sa amin, eh. Parang can I help it? Minsan nga, ‘yung mga kasama mo sa soap, sasabihin sa ‘yong “Miss D, ang asim mo pa rin talaga.” Minsan, pagdaan mo, maririnig mo, “ang ganda pa rin ni Miss D”. Tapos, mapapatingin ka, biglang magtatago,” kwento ng aktres.

Nagkaroon na rin naman daw siya ng leading man na mas bata sa kanila like Jericho Rosales at Gary Estrada.

Kasalukuyang napapanood ang aktres ngayon sa The Blood Sisters ng ABS-CBN with Erich Gonzales at aniya ay nage-enjoy siya working with the whole cast dahil para na silang pamilya.

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with