^

Pang Movies

Trabaho ni Boyet apektado ng kanyang sakit

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Trabaho ni Boyet apektado ng kanyang sakit
Boyet

Magaling na si Christopher de Leon kaya nagpapasalamat ako at ang pamilya niya sa lahat ng mga nagdasal para sa kanyang kaligtasan.

Higit sa lahat, thank you kay Lord dahil dininig niya ang mga panalangin na maging maayos agad ang kalagayan ni Boyet na nagkaroon ng seizure at na-confine sa ICU ng isang ospital.

Affected ng hindi inaasahan na pagkakasakit ni Boyet ang shooting at taping niya para sa mga pelikula at teleserye pero very understanding ang kanyang co-workers.

Dahil magaling na si Boyet, walang dahilan para hindi matuloy ang concert nila ni Tirso Cruz III sa last week ng April.

Catriona, paiba-iba ang hitsura

Nabasa ko ang Philippine Star article tungkol kay Catriona Gray habang pa­punta ako sa Macau noong Sabado.

Si Catriona ang representative ng Pilipinas sa Miss Universe 2018 na magaganap sa November 25.

Maganda at matalino si Catriona pero pabagu-bago ang itsura nito sa mga litrato niya na nakikita ko.

Isang make up artist na kahiyang ni Catriona ang kailangan para lumitaw ang natural beauty niya. May anggulo kasi na hindi siya maganda sa kanyang mga picture na lumalabas.

Maganda sa personal si Catriona pero importante rin na maganda siya sa mga litrato at madaling ma-achieve ito kung mahusay ang glam team niya.

Arnel may oras sa pamilya

Nakita ko si Arnel Pineda at ang pamilya niya sa Hong Kong International Airport noong Lunes.

Pabalik na ang pamilya ni Arnel mula sa Hong Kong vacation nila at nagkasabay kami sa check in counter ng Philippine Airlines.

In fairness, m aganda ang misis ni Arnel at malalaki na ang kanilang mga anak. Malapit na nga na maging kasing tangkad ni Arnel ang mga anak niya.

Sandali lang ang tsikahan portion namin ni Arnel. Nakalimutan ko tuloy itanong kung true ang bali­ta na siya ang may-ari ng building sa kanto ng Edsa at Timog Avenue, Quezon City.

Kung totoo ang balita, bilib ako kay Arnel dahil na-invest nito sa maayos na paraan ang mga datung na kinita niya bilang vocalist ng American band na Journey.

Kahanga-hanga ang mga lalake na katulad ni Arnel na may panahon para sa kanyang singing career at pamilya.

Hong Kong, ibang-iba na, Prada, Gucci, LV at Chanel, hindi na pinipilahan!

Malamig ang weather sa Hong Kong as in umuulan, lalo na sa Macau.

Mabuti na lang, hindi malakas ang alon nang sumakay kami ng ferry from Macau to Hong Kong dahil maulan nga ang panahon.

Ang Hong Kong ang madalas namin puntahan nina Mother Lily Monteverde at Douglas Quijano noong mga bagets pa kami.

Nanibago ako sa recent trip namin sa Hong Kong dahil marami na ang nagbago at mga shop na nagsara na.

Kakaunti na  ang pila sa mga tindahan ng Prada, Gucci, Louis Vuitton at Chanel. Hindi katulad noong araw na pansamantala na isinasara ng mga sales personnel ang tindahan nila dahil hindi na magkasya sa loob ang mga kostumer.

Kung may hindi nagbago, ito ay ang Chinese restaurant na specialty ang famous Peking duck na dinarayo ng iba’t ibang nationalities. Blockbuster ang Peking Garden na pinagdalhan sa amin ng mga BFF ko na si Marivic Larrazabal at Tet de Joya.

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with