^

Pang Movies

Ogie may pinauusong K-Drama Parody

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Ogie may pinauusong K-Drama Parody
Ogie Alcasid

Hanggang ngayon ay lakas ng trip ni Ogie Alcasid sa kanyang single na Ban Sot Mee – Tabakoo na Bes. In fairness kay Ogie na laging genius sa kanyang mga ideas na nag-effort na ipakita ang kanilang mala-pa­lasyong bahay ni Regine Velasquez-Alcasid sa kanyang music video.

Tiyak gusto ni Ogie na magpaka-oppa, pero nalito lang ang fans dahil parang mas tunog Japanese ang kanyang kanta kaysa Korean. Pero swak naman sa K-pop na ballad sa nakakaaliw niyang kanta. Na-miss tuloy ng mga fans ang Bubble Gang days ni Ogie da Pogi at ang mga kalokohang team up nila ni Michael V. sa kabilang bakod.

Kahit laugh trip ang komeding single ni Ogie, maraming naka-relate at tinamaan sa K-pop na malahugot na message ng kanta na tungkol sa nagsisisi pagkatapos kumain ng marami dahil sa kanilang mga dyowa.

Ang galing ni Ogie sa kanyang K-drama parody na lutang pa rin ang husay sa paglalaro niya ng lyrics. Brillant at lumabas muli ang pagiging komedyante niya sa kanyang kakulitan. Hindi lang niya ito ipinamamalas sa kanyang single na Ban Sot Mee… Tabakoo na Bes kundi maging sa kanyang role sa Home Sweetie Home sa Kapamilya Network na nabuhay ang sigla ng series sa pagpasok ni Ogie sa eksena.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with