^

Pang Movies

Mark bihasa sa pagbabaluktot ng katawan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mark bihasa sa pagbabaluktot ng katawan
Mark Bautista

Alam ko na ang secret ng sexy body ni Mark Bautista na blooming mula nang i-release niya ang kanyang tell-all biography book na Beyond The Mark.

Yoga ang sikreto ni Mark as in masipag siya na mag-attend ng yoga classes, somewhere in Morato area. Ang sey ng isang witness, sobrang galing ni Mark sa yoga dahil very flexible ang katawan niya.

Three times a week ang yoga classes ni Mark na tumatagal ng halos dalawang oras ang bawat session. Sa sobrang husay ni Mark, puwede na raw ito na maging yoga instructor, in case na mag-decide siya na magpahinga sa pagkanta na imposible na mangyari dahil first love niya ang singing.

KC at French na ex, magkakabalikan?

Wish ko talaga na magkaroon na uli ng boyfriend si KC Concepcion dahil karapatan niya na lumigaya.

Thirty three years old na si KC at ang mga ganyan na edad ang handa nang bumuo ng pamilya.

Sana, matagpuan na ni KC ang mhin na makakasama niya forever.

Ewan ko lang kung magkakaroon ng Part 2 ang love affair nila ng ex-boyfriend niya na French na nag-join sa kanyang birthday vacation sa Siargao.

Malay natin, baka love is lovelier the second time around para kay KC at sa French guy na inspirasyon niya noon.

?Baka masaraduhan na Kris? kailangang-kailangan na ng lalaki!

May feeling ako na puwedeng intimidated din kay KC ang mga mhin dahil anak siya nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta.

Hindi sila nagkakaiba ni Kris Aquino na nahihirapan na humanap ng partner dahil anak siya ng mga sikat na personalidad.

Sobrang talino rin ni Kris kaya isang mhin na hindi niya puwedeng kontrolin at mas matalino ang nararapat sa kanya.

Malapit nang maging golden girl si Kris at bago ito magdiwang ng 50th birthday, kailangan na mahanap na niya ang kanyang prince charming dahil baka mahirapan na siya.

Kaso ni Kuhol, may kinalaman daw sa pulitika

Kung kailangan ko na tumestigo para kay Kuhol, gagawin ko dahil hindi talaga ako naniniwala sa bintang na nang-abuso siya ng batang babae.

May feeling ako na politically motivated ang akusasyon laban kay Kuhol dahil kandidato siya sa lugar namin sa darating na elek­syon sa barangay.

May asawa si Kuhol na madalas kong nakikita tuwing Linggo kapag nagsisimba sila ng kanyang asawa na maganda. Hindi lang ako sure kung may anak sila dahil wala akong nakikita na bata na kasama nila.

Matulungin sa kapwa si Kuhol at mapapatuna­yan ito ng aming parish priest. Siya ang takbuhan ng mga tao sa amin na kailangan ng tulong.

Isa pa si Papa Ricky Lo sa mga makakapagpatunay na mabuti at disenteng tao si Kuhol dahil nakatira kami sa iisang barangay.

Pumupunta noon si Kuhol sa bahay ko dahil nagpapatulong siya na maghanap ng mga project sa TV at sa pelikula.

Ang hilig-hilig niya na magbigay ng rambutan mula sa mga puno na tanim sa kanilang bakuran.

vuukle comment

MARK BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with