^

Pang Movies

K naghahanap na ng mapapangasawa!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
K naghahanap na ng mapapangasawa!
K brosas

Wow ha! Petmalu ang drama ni K Brosas dahil sold out na raw ang tickets sa bandang loge at VIP at konting seats na lang ang natitira sa kanyang concert na may title na 18K na gaganapin sa April 28, 2018 sa Kia Theatre.

Ang title ng concert na 18K ng18 years na selebrasyon ng singer/comedianne sa industry.

In all fairness kay Ms. K na kahit 18 years na ang lumipas pero laging fresh pa rin ang kanyang aura at walang kupas na pagpapatawa sa mga tao. Kaya hindi nawawalan ng raket si Ms. K bukod sa kanyang regular hosting job sa Umagang Kay Ganda sa Kapamilya Network.

Reklamo lang ni K na walang nakikinabang sa kanyang ganda. Kaya naman ang laging wish ng best friend niyang si Pokwang ay makatagpo rin ito ng lalaking magmamahal kay momshie K kahit hindi foreigner ang matisod nito. Sang-ayon si K para hindi raw maagiw ang kanyang kagandahan.

Samantala, tiyak na maghahasik na naman si Ms. K ng kasiyahan sa kanyang concert bilang pasasalamat na nakaabot siya ng 18 years and counting sa kanyang bonggacious na career.

vuukle comment

K BROSAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with