^

Pang Movies

Baste ayaw na ayaw makisawsaw sa pulitika!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Baste ayaw na ayaw makisawsaw sa pulitika!
Baste

Wala talaga sa vocabulary ng presidential son na si Baste Duterte na pumasok sa mundo ng pulitika dahil iba ang mga interes niya.

Tahimik na buhay ang gusto ni Baste at kuntento na siya sa kanyang mga product endorsement na itinuturing niya na trabaho.

Kung sabagay, hindi nag-iisa si Baste dahil may ibang mga dating presidential children na hindi nag-ambisyon na maging pulitiko at artista as in happy na sila na maging private citizen.

Sina Kris Aquino at Mikee Arroyo lang naman ang mga anak ng presidente na nag-artista at gumawa ng pelikula.

Pero tahimik na rin ang buhay ni Mikee dahil hindi na ito active sa showbiz. Si Kris na lang ang natitira na visible sa entertainment industry na hindi naman nakapagtataka dahil childhood dream niya na maging showbiz personality.

Nagulo lang naman ang tahimik na mundo ni Baste nang ma-link siya kay Ellen Adarna pero namatay ang isyu nang ma-involve kay John Lloyd Cruz ang sexy star.

Tahimik na rin ang buhay ni Ellen sa piling ni John Lloyd.

Nakakahiya naman kay John Lloyd kung magiging active pa rin si Ellen sa showbiz dahil pinili niya na manahimik kaya dapat, ganito rin ang gawin ng kanyang buntis na girlfriend.

I’m sure, happy and contented din ang non-showbiz girlfriend ni Baste dahil nagkabalikan sila.

Former FHM model ang sexy and pretty girlfriend ni Baste.

Sayang nga lang dahil mawawala na rin ang print edition ng sexy magazine for men na nagpasikat ng maraming sexy star.

Noong namamayagpag ang FHM, big news kapag naging cover girl ng magazine ang mga aktres.

Marami ang na-discover at nagkaroon ng showbiz career nang ma-feature sila sa FHM na magba-babu na ang print edition tulad ng YES!

Sina Assunta de Rossi, Aubrey Miles at Maui Taylor ang ilan sa mga sexy actress na identified sa FHM pero naging kontrobersyal at pinag-usapan nang todo dahil sa flyover shoot ni Diana Zubiri noong October 2002 na naging rason para magdemanda si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos. The rest is history.

Prince, ramdam ang pagiging prinsesa sa pagbalik sa GMA

Nag-taping kahapon para sa Pepito Manaloto ang former Starstruck The Next Level runner up na si Prince Stefan.

Matagal na hindi umapir si Prince sa mga show ng GMA 7 dahil lumipat siya sa ABS-CBN. Ang sabi ng staff ng Pepito Manaloto, tuwang-tuwa si Prince dahil nabigyan siya ng chance na bumalik sa dating home studio niya.

Aliw na aliw ang staff kay Prince dahil Princess na ang pabiro nito na pakilala sa sarili.

Bago pa nag-come out si Mark Bautista, nauna na si Prince.

Wala talaga sa plano ni Prince na aminin ang pagiging baklita niya pero inunahan siya ni Keanna Reeves nang magkaroon sila noon ng tampuhan.

vuukle comment

BASTE DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with