^

Pang Movies

Showbiz personality halos mabaliw ’pag naririnig na tumataba siya!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Hindi na pala natuloy ang weight loss challenge ng isang showbiz personality in partnership with a popular gym chain dahil hindi niya makaya sa ngayon ang makapagpapayat.

Mukhang maraming stress sa buhay si showbiz personality, kaya kahit marami ang nakakapansin sa kanyang pagtaba, hindi naman niya magawang makapagpapayat.

Actually, very sensitive si showbiz personality kapag napapansin ang kanyang pagtaba.

Kaya ang mga kaibigan ni showbiz personality, hindi na siya masyadong pinagsasabihan na magpapayat dahil alam nila na mas nakakaragdag sa stress ng kanilang kaibigan ang constant reminder nila rito.

Ang tsika, mas natuon ang atensyon ni showbiz personality sa mga pagkain dahil sa mga stress sa buhay na kinahaharap niya.

Ang maganda lang kay showbiz personality, kapag may trabaho, nagiging masaya siya at nakakabawas ‘yon sa kanyang mga stress sa buhay.

Ayaw na lang naming sabihin kung lalaki o babae si showbiz personality dahil nang minsang maisulat namin ang tungkol sa pagtaba niya (wala namang masama roon dahil mataba rin kami) ay masyado siyang naging senstive at sinumbatan kami!

Ogie excited sa spaghetti nina Regine at Nate

Sa April 15 ang labas ng endorsement ng mag-inang Regine Velasquez-Alcasid at Nate para sa spaghetti pro­duct ng isang fastfood chain.

Excited na ang fans ng Asia’s Songbird. Excited na rin si Ogie Alcasid na lumabas ang nasabing endorsement ng kanyang mag-ina.

Sabi ni Ogie, proud husband and father siya dahil sa endorsement na ‘yon ng kanyang mag-ina.

Sabi naman ng fans ni Regine, parang advance birthday gift sa kanilang idolo ‘yon dahil sa April 22 ay birthday nito!

Gabby naaliw sa ginagawang mga kalokohan

Dumalaw kami sa taping ng Celebrity Bluff na hino-host ni Eugene Domingo.

Si Gabby Concepcion na ang master bluffer sa game show at pumalit kay Edu Manzano na bumalik na sa ABS-CBN.

In fairness, bagay si Gabby sa game show.

Obvious na naaaliw rin ang aktor sa mga pinaggagagawa at pinagsasasabi niya sa naturang show at very charming pa rin ito at guwapung-guwapo pa rin sa kanya ang mga tao sa loob ng studio.

Samantala, may isang close sa aktor ang nag­tsi­kang mukhang malabo na sa ngayon ang balik-tambalan ni Gabby sa ex-wife niyang si Sharon Cuneta.   

Matapos makalaya sa depression aktres tinutulungang mag-ipon ng karelasyon!

Maganda na ang takbo ng career ngayon ng isang aktres na kilala sa pagluluka-lukahan noong kapanahunan niya.

Hindi na rin gaanong nade-depress si aktres na dahilan kung bakit umiinom siya noon ng anti-depressant medicines.

Noon kasi, kapag nasa set si aktres, palagi siyang tulog nang tulog, kaya nade-delay ang tapings o shootings.

Sa isang tsikahan nga raw, nag-open-up si aktres na noong araw ay kinailangan niyang mag-take ng medicines for depression dahil hindi nga niya matanggap ang nangyari sa kanyang career at buhay.

Pero ngayon nga raw, mas okey na siya dahil bukod sa sunud-sunod na uli ang trabaho niya ay in love rin siya.

‘Yung karelasyon nga ngayon ni aktres ay napaka-supportive sa kanyang career.

Pati sa pagse-save ng kanyang kinikita ay tinutulungan din si aktres ng lalaking karelasyon niya, kaya malayung-malayo na siya sa estado niya noon na parang laging problematic sa pera!

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with