^

Pang Movies

Imported singers sinasaid ang bulsa ng mga pinoy, si Sarah lang ang nakasingit

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Imported singers sinasaid ang bulsa ng mga pinoy, si Sarah lang ang nakasingit
Sarah

Habang ang mga local singer ay nganga sa concert scenes, sunud-sunod naman ang pagdating sa bansa ng mga international singer.

Kamakailan ay nag-concert si Katy Pery, susunod sina Ed Sheeran, The Script, Bruno Mars, Sam Smith, among others at heto, kahapon ay nag-trending ang pagbalik uli sa bansa ni Mariah Carey. Sa Araneta Coliseum lang si Mariah sa October 26, habang ang sina Pery, Sheeran, The Script, Mars, Smith ay sa MOA.

Nauna si Katy at susunod ang lima pa.

At ang nakaka-sad, ang mamahal ng tickets nila na pinapipiyestahan ng mga Pinoy na madadatung na mahilig sa concert at social media. More than P20k. Maging ang mga local singer natin, gumagastos, makapanood lang ng concert ng mga idol nila.

Ang isang local artist lang na may naka-schedule na concert ay si Sarah Geronimo, para sa kanyang 15th anniversary sa showbiz, sa April 14, Araneta Coliseum, This 15 Me.

Ang iba nating local singer, waley, pa-corporate corporate na lang. O pa gig gig na lang sa maliliit na venue.

Kawawa ‘di ba. Natatabunan sila ng mga foreign artist na dinarayo talaga ang Manila dahil nga sa malakas na hatak sa social media.

Asahan din na magkakaroon ng charity event ang mga imported singer na ito pagdating ng Manila para mabawasan ang babayaran nilang tax.

vuukle comment

SARAH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with