^

Pang Movies

After ng ilang taong paghihintay, Jewel, excited na sa unang anak

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
After ng ilang taong paghihintay, Jewel, excited na sa unang anak
Alister at Jewel

Six months pregnant na ang dating StarStruck 4 winner na si Jewel Mische.

Kinasal si Jewel sa mister niyang American na si Alister Kurzer noong 2015. Three years silang nag-attempt na magkaroon ng baby at ngayon ay natupad na rin.

Sa kanyang Instagram account, pinost ni Jewel ang pic ng tatlong damit: Isang panlalakeng jacket, isang pambabaeng top at isang baby onesie.

Sa isang pic naman ay hinahawakan ng mister ni Jewel ang tiyan niya, at sa isang pang pic, pinakita na ni Jewel ang kanyang baby bump.

Si Jewel ang nanalong Ultimate Sweetheart sa season 4 ng reality-artista search ng GMA-7 na StarStruck. Mga co-winners ni Jewel ay sina Aljur Abrenica (Ultimate Hunk) at sina Kris Bernal at Mart Escudero (Ultimate Loveteam).

Ang iba pang ka-batch nila ay sina Prince Stefan, Rich Asuncion, Paulo Avelino, Stef Prescott at Jan Manual.

Nakagawa ng ilang TV shows si Jewel noong under contract pa siya sa GMA Artist Cen­ter tulad ng Mga Mata Ni Anghelita, Fantastic Man, Magic Kamison, Kamandag, LaLola at Pilyang Kerubin,

Lumipat ng ABS-CBN 2 si Jewel noong 2010 pagka-expire ng kanyang kontrata with GMA-7. Ginawa niya ang mga shows na 100 Days To Heaven, Maria la del Barrio, Precious Hearts Romance at Buhawi Jack.

Noong mag-asawa si Jewel noong 2015, iniwan na nito ang showbiz para tumira sa Amerika.

Na-link romantically noon si Jewel kina Paulo Avelino at Richard Gutierrez.

Meryl Streep pinetisyon na maging Princess Leia

May online petition ngayon para ang three-time Oscar winner na si Meryl Streep ang gumanap bilang Princess Leia sa Star Wars: Episode IX.

Nakakalikom na ng higit na 8,400 supporters ang naturang petition.

Ang pumanaw nang si Carrie Fisher ang original na gumanap na Princess Leia mula sa unang Star Wars movie noong 1977.

Huling napanood si Fisher sa Star Wars: The Last Jedi noong December 2017. May isang taon nang namamatay si Fisher bago maipalabas ang natapos niyang pelikula.

Sa naturang online petition, nakalagay doon na kailangang mas maging prominent ang present ni Princess Leia sa 9th episode ng Star Wars.

Ironically, ginampanan ni Meryl ang role bilang si Carrie Fisher sa 1990 film na Postcards From The Edge na mula sa 1987 novel ni Fisher. Tungkol ito sa love-hate relationship ni Fisher sa kanyang Hollywood mom, the late Debbie Reynolds na ginampanan ni Shirley MacLaine.

Sa December 2019 na ang playdate ng Star Wars: Episode IX.

vuukle comment

JEWEL MISCHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with