^

Pang Movies

Lito palaging kinakawawa ni John

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagtataka ang mga tagahanga ng actor-politician na si Lito Lapid kung bakit palagi na lang pinipisil ni John Arcilla ang baba ng kanilang idolo, naaawa raw sila kay Lito dahil hindi ito makapalag dahil may mga instrumentong nakasaksak sa kanya sa pagamutan at hindi rin nila matanggap tingnan na binubunot ang mga instrumentong nakalagay sa braso ng aktor.

Dapat daw bang ipakita pa ang sakit na nararamdaman ng pasyenteng si Lito?

Mabuti raw napapayag si Lito na gumanap ng ganitong papel na wala siyang kalaban laban sa kaaway.

Mabagsik ang papel ni John pero hindi halata, dahil sa maamo niyang mukha.

Palagi raw nilang naaalala ang papel na ginampanan nito bilang si Gen. Antonio Luna. Ano kayang parusa ang aabutin ni John, oras na makawala si Lito sa ospital?

May mga nagtatanong bakit daw parang hindi nababawasan ang mga kampon ni Jhong Hilario, gayung sunud-sunod na ang nababaril sa mga ito tuwing may engkuwentro.

Bumabangon daw sila uli pagkaraang mabaril at mamatay, mga zombies daw ba ang kampon ni Jhong sa Ang Probinsyano.

Luis at Jessie, hindi na matutuloy ang kasal?!

Bakit daw parang hindi na umaalingawngaw ang tsikang malapit nang ikasal sina Luis Manzano at Jessie Mendiola.

Tuloy pa rin daw ba ang kasal kahit medyo lumamig ang balita?

Well ang importante, nagka-project si Jessie dahil kinuha siyang bagong kapareha ni Coco Martin sa Ang Probinsyano.

Nadine at John Lloyd, nagsasawa na sa showbiz?

Tipong suffocated na marahil si Nadine Lustre sa sobrang kasikatan at dami ng perang kinikita sa pag-aartista kaya panay ang sabing ayaw niya nang mag-showbiz.

Ganito rin halos ang dialogue ni John Lloyd Cruz.

Paano kaya kung sagutin sila ng kapalaran na bawiin lahat ng mga suwerteng tinamasa sa showbiz?

Sa totoo lang, nakakalunod talaga ang tagumpay at pagkamal ng maraming pera.

vuukle comment

JOHN ARCILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with