^

Pang Movies

Mark ginanahan sa pagpo-promote ng pagiging bisexual!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mark ginanahan sa pagpo-promote ng pagiging bisexual!
Mark

Nagpapasalamat si Mark Bautista sa lahat ng mga tumangkilik sa kanyang autobiography book, ang Beyond The Mark, dahil best seller ito for the month of March ng National Bookstore.

Hindi nakakagulat na best seller ang tell-all book ni Mark dahil masyadong kontrobersyal ito.

Talagang marami ang naintriga at naloka sa mga rebelasyon ni Mark na umamin na bisexual.

Dahil best seller ang Beyond the Mark, lalong ginanahan si Mark na mag-promote ng libro niya.

May mga out-of-town book signing siya para sa fans na excited na makita nang personal ang controversial singer-actor.

Maricel bininyagan sina Paolo at Solenn para sa Mothers Day

Sa May 9 ang playdate ng My 2 Mommies, ang comeback movie ni Maricel Soriano sa Regal Entertainment Inc.

Starring sa My 2 Mommies sina Paolo Ba­lles­teros at Solenn Heussaff na parehong honored at grateful dahil nakatrabaho nila sa pelikula ang Diamond Star, isa sa mga original Regal Baby ni Mother Lily Monteverde.

Swak na swak sa Mother’s Day celebration sa May 9 ang My 2 Mommies dahil ipagdiriwang sa buong mundo sa May 13 ang Araw ng mga Ina.

Every year, hindi nawawalan ng Mother’s Day presentation ang Regal Entertainment Inc. na naging tradisyon ni Mother Lily mula nang mag-produce siya ng mga pelikula.

Noong araw, palaging may bonggang Mother’s Day celebration sa Araneta Coliseum ang Regal Films sa Sunday noontime show noon ni German Moreno.

Big event ang Mother’s Day celebration sa Big Dome dahil complete attendance ang lahat ng Regal Babies na pinakasikat na mga artista noon.

Ang Oh My Mama at To Mama with Love ang dalawang Mother’s Day movie na ginawa ni Maricel sa Regal noong dekada ‘80 na parehong pinilahan sa box office.

Bianca napakinabangan ang pagiging flight attendant

Ex-flight attendant ng Philippine Airlines si Bian­ca Manalo kaya nakatulong ang training nito para maging buo ang loob niya nang lumubog ang speedboat na sinasakyan nila ng kanyang mga kasama noong Huwebes Santo habang papunta sila sa isang isla.

Inabangan ng ABS CBN news team ang pagdating kahapon ni Bian­ca sa airport at dito nila nainterbyu ang former beauty queen na naging emosyonal habang ikinukuwento ang traumatic experience.

Ang pagtawag sa Diyos ang nagpalakas sa loob ni Bianca para hindi siya mawalan ng pag-asa.

Pero naisip din ng aktres na baka hindi na niya makita ang kanyang pamilya.

Si Bianca ang sumisigaw sa grupo na kapit at walang bibitaw sa tuwing hinahampas sila ng malalakas na alon.

Siya rin ang nagpapaalaala sa kanyang mga kasama na huwag matataranta dahil mas malaki ang tsansa na malunod sila.

vuukle comment

MARK BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with