^

Pang Movies

Fans ni Jaya, hindi na mapakali sa latest single niya

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Fans ni Jaya, hindi na mapakali sa latest single niya

Jaya

The long wait is over! Maririnig na muli ang boses ng The Queen of Soul na si Jaya Ramsey sa kanyang latest single na Hanggang Dito na Lang. 

Dalawang taon na palang nasa Kapamilya Network si Jaya na mapapakinggan ang kanyang first single mula sa Star Music.

Excited na si Mother of Soul na binusisi ang kanyang kanta mula lyrics hanggang tunog na tiyak na magugustuhan ng kanyang fans.

Bakit naman hindi, eh kilalang mahigpit na hurado si Jaya kaya for sure na the best din ang maririnig muli sa kanyang bagong music.

Ang laki rin ng ipinayat ni Jaya, kitang-kita sa cover ng kanyang single.

Hindi na mapakali ang kanyang fans na gusto agad hatakin ang petsa dahil ang release ng kanta ay sa April 6, 2018, next week pa. 

Wish agad ng supporters ni Jaya na hindi lang mall tour ang gawin ng Queen of Soul kung hindi, world tour dahil miss na ng fans niya sa Dubai, America, at ibang panig ng mundo ang kanyang boses at performance.

Panay agad ang pagpapaabot ng pagbati sa kanilang idolo na masaya ang lahat dahil deserve na marinig muli ang boses ng Queen of Soul.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with