^

Pang Movies

Sen. Manny natural ang hosting

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Sen. Manny natural ang hosting

Manny

Ang daming magagandang panoorin sa TV last Holy Week, Monday to Friday.

Halos napanood ko ang mga palabas sa Kapuso (GMA7) Kapamilya (ABS-CBN) Kapatid, at kung anu-ano pang network, pero ang GMA 7 at ABS-CBN lang halos ang may temang pang-Semana Santa, maka-Diyos, maka-langit na parang nadarama na kapiling mo si Blessed Virgin Mary at si St. Joseph, ang mga santo at santa at higit sa lahat ang Dakilang Diyos na may likha sa tao at sa lahat ng mga bagay na makikita natin sa mundo.

Last Monday and Thursday (Huwebes Santo) Napanood ko ang Stories for The Soul bukod sa Eat Bulaga Lenten Specials.

Sobrang affected kami sa Stories for the Soul hosted by Senator Manny Pacquiao. Napaka-sincere ni Sen. Manny sa pagsasalita, sa ekspresyon ng mukha at sa paglalahad ng mga pangyayari na may kinalaman sa buhay ng mga involved sa story. In other words, gusto ko ang presentasyon ni Sen. Manny.

In all fairness, napakanatural niya, alam na alam mo na basta tungkol sa usapang maka-Diyos, handa siyang makipagdebate kahit hindi siya pari o alagad ng Simbahan, alam niya ang mga berso sa Holy Bible. Dama mo sa kanyang sarili na hindi siya corrupt at malinis ang konsensya.

Tito Sen, maaasahan pagdating sa pagtulong sa mga mahihirap

Pagdating sa salitang tapat at may word of honor, si Tito Sen Sotto ‘yun! Nakita ko kasi ang mga ginagawa niyang pagtulong sa tao lalo na iyong poor of the poorest na agad-agad ay sagip-buhay niya.

Sabagay, matagal ko nang kilala si Tito Sen., hindi pa siya politician. Sila ang sikat na trio ng showbiz, Tito, kasama sina Vic Sotto, at Joey de Leon. Hindi mo masusubukan pagdating sa pagtulong.

Kaya bilib ang buong Eat Bulaga stars & host kay Tito Sen at siyempre hindi pwedeng mawala ang dibang Dabarkads na sina Ruby Rodriguez, Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Wally Bayola, Jimmy Santos, Allan K., Anjo Yllana, Maine Mendoza, Alden Richards, at ang dalawang bulinggit na sina Ryzza Mae Dizon & Baby Baste.

Personal…

Ang sarap ng feeling ngayong Holy Week Vacation. Iba ang feeling ko, may sakit ako, pero feeling ko very healthy ako! Konti ang datung pero feeling ko rich ako, but higit sa lahat masaya dahil nararamdaman kong ‘pag nagsasalita ako at nakikipag-usap sa ating Panginoong Diyos, sinasagot niya ang aking mga panalangin. Happy Easter to all! Halleluah!

God Bless us all! To Maam Salve, Rodel, Debbie, Lanie & Judy.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with