^

Pang Movies

CineMarya dedicated sa kababaihan!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
CineMarya dedicated sa kababaihan!

Liza

Walang dudang maganda ang ginagawang trabaho ni Liza Diño Seguerra bilang Chairperson of the Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Tingnan ninyo kung ano ang next project niyang pinagkakaabalahan pagkatapos ng isang matagumpay niyang event noong August last year, ang Pista Ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Para sa selebrasyon ng ating National Women’s month at obviously para bigyang parangal ang ating mga kababaihan, inila-launch ng FDCP ang CineMarya, isang pista ng mga maiikling pelikula na ang tema ay nakasentro lamang sa kababaihan.

Nahuhulaan na magiging successful din ang project na ito ni Liza na tulad din ng PPP ay mage-gauge, kumbaga sa kooperasyong ibinibigay sa kanya ng Department of Local Government (DILG), represented by DILG Asec. Marjorie Jalosjos at ang Philippine Commission on Women represented naman by Ms. Honey Castro, Chief Corporate Affairs and Information Resource Management Division of the department.

Ayon kay Liza, ang proyektong ito ay bukas para sa lahat ng participants at possible filmmakers na hindi pa nakakagawa ng feature film o documentary. Ang mananalo ay makakatanggap ng seed money na nagkakahalaga ng P100,000,00, yes P100,000,00 na manggagaling sa CineMarya para mas maengganyo ang participants na sumali. Tatalakayin sa bawat pelikula ang diverse social issues tungkol sa mga kababaihan at women empowerment in particular.

10 hanggang 20 minutes ang dapat itagal ng pelikula at mag-uumpisa na ang submission for entries sa April 1 hanggang June 30, 2018.

Richard, tinanggihan muna si Dawn

Wow, Salve A., ang daming bagong addition sa cast ng top series na FPJ’s Ang Probinsyano. Yes, bukod kina Edu Manzano, JC Santos, Mark Anthony Fernandez at ­Alice Dixson. Plus of course, sina Rowell Santiago at Jessy Mendiola.

Actually, ang ganda ng pasok ni Dawn Zulueta sa series, since wife pala siya ni Rowell na isang high ranking government official. At gumanda rin lalo si Dawn, who in fairness, na hindi halata ang edad.

Dawn just turned 49 this year.

Narinig namin na dapat ay gagawa siya ng isang serye kasama ang leading man of all time na si Ri­ chard Gomez na napabalitang nag-begged off since busy nga naman siya with his duties bilang first-time Mayor ng Ormoc City.

Nararapat lang daw na tumakbo ulit si Richard para sa re-election.

Of Dawn, tatakbo naman ulit kaya ang kanyang asawa na si Antonio Lagdameo para sa 2019 elections na dalawang beses nang nagsilbi bilang Congressman of Davao del Sur?

Rhian, lumalagare sa mga raket

Sobrang busy si Rhian Ramos na kamakailan lang ay napasama sa cast ng independently produced movie na Simplicity, kasama ang kanyang best friend na si Solenn Heussaff.

Idinirek ni Kasuhiko Parungao ang nasabing pelikula.

Siya ay nagsu-shooting din ngayon ng action movie kung saan katambal niya sa unang pagkakataon ang comebacking actor na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Aside from Jolo, makakasama rin niya ang mga kapatid na sina Bryan at Luigi. The three of them are, of course, ay sons nina former Se­nator Bong Revilla.

Napapanood din si Rhian sa serye ng GMA 7 na The One that Got Away.

Kung ang kanyang lovelife naman ang pag-uusapan, it helps daw na non-showbiz ang kasalukuyan niyang mahal.

He happens daw to be very understanding, too, where her showbiz career is concerned.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with