^

Pang Movies

True ba? Pia naging dyowa din daw ni John Lloyd!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
True ba? Pia naging dyowa din daw ni John Lloyd!

JLC

True kaya na naging mag-on din sina Pia Wurtzbach and John Lloyd Cruz?

Yup, may naganap daw na relasyon sa dalawa noong hindi pa nagiging Miss Universe si Pia.

Pero sandalian lang daw ang nasabing relasyon at walang commitment.

Bukod kay John Lloyd may iba pa raw itong naging boyfriend na Kapamilya actor ayon sa isang source.

Alam daw kaya ito ni Ellen Adarna?

Nauungkat ang mga nakaraang lovelife ni Pia lately dahil sa umano`y isyu sa kanila ni Gerald Anderson. 

Selfie sa Cannes bawal na!

Ayun, bawal na ang selfie sa red carpet ng Cannes Film Festival. Ayon sa orga­nizer ng sikat na international film festival sa France, nagiging dahilan ito ng `unwanted disorder` or nagkakagulo sa flow ng programa.

Dahil nga naman sa social media, lahat ay nakiki selfie na at game naman ang lahat ng mga dumadalong artista na naka gown at tuxedos pa.

Kris tuloy ang pagpapagaling sa Amerika

Nagparamdam si Kris Aquino kahapon tungkol sa pagpapa check up niya sa Amerika.

Pero wala pa siyang binabanggit kung anong resulta ng mga medical test niya. `Just a few more tests & a few more nights & i’ll be back home, `sabi niya sa kanyang post na ang picture ay ang bago niyang favorite na `fish.`

Kasalukuyang nasa Amerika si Kris para nga magpa-check sa kanyang nararanasang matinding allergy.

Ayon sa previous post ni Kris, inihahanda niya ang kanyang sarili sa maraming bagong kaganapan sa kanyang career pero sa kasalukuyan ay kailangan muna niyang tapusin ang `journey towards total emotional, mental, and physical wellness...`

Tumataas at bumababa ang blood pressure ni Kris pag umaatake ang kanyang allergy kaya kinailangan na niyang magpa check sa espesyalista sa Amerika.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with