^

Pang Movies

Barbie buhos ang biyaya

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Barbie buhos ang biyaya

Barbie

Buhos ang blessings kay Barbie Forteza na ipinagpapasalamat niya at wala siyang reklamo kahit sunud-sunod ang work niya. Last year bago nagtapos ang 2017, two weeks na nag-shooting si Barbie sa ilang lugar sa Italy para sa movie nilang Almost A Love Story with Derrick Monasterio, sa direksyon ni Louie Ignacio at malapit nang ipalabas in ci­nemas nationwide, sa April 11.

Kababalik lamang ni Barbie from Cebu nang kunin naman siya ng APT Entertainment Inc. para sa kanilang Lenten Special for Holy Saturday, March 31, 7:00pm ang Elehiya. This time, horror-drama naman ang concept ng episode na idinirek ni Mike Tuviera and shot sa kabundukan ng Boso-Boso sa Antipolo City, kasama ni Barbie si Taki Saitio. Executive producer naman si Rams David.

Alden pinalitan si Edu

Si Pambansang Bae Alden Richards ang guest bluffer sa comedy game show na Celebrity Bluff mamayang gabi after ng Magpakailanman nina Mark Herras at Winwyn Marquez. Since umalis na sa show si Edu Manzano, kumukuha na lamang sila ng guest bluffer every Saturday.

Bukas naman, Sunday, ang final episode ng All Star Videoke na ang magla­laban-laban ay iyong mga nanalo pero hindi nakuha ang jackpot prize at ang brand new car from Mitsubishi. At siyempre, ang magiging ultimate na magkalaban ay ang dalawang nakakuha ng top prizes, sina Miguel Tanfelix at Ruru Madrid.

Standee ni Alden pinag-iinteresan

Nakakatawa ang mga Team Abroad AlDub fans nina Alden at Maine Mendoza. Nang lumabas ang ini-endorse ni Alden na Cookie’s Peanut Butter at may promo silang sumugod daw sa Puregold stores na may standees ni Alden, sabi ng friend namin from Nottingham, United Kingdom, ibili raw siya ng maraming products nito para maikuha namin siya ng standee ni Alden. Marami ring nagtatanong sa Facebook account ng Cookie’s kung pwede nga raw makakuha ng standee kapag marami silang binili.

Cookie and Joy Chua, Chuck Gomez, anong say nyo?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with