^

Pang Movies

JaDine hindi raw apektado sa unwanted comments ni Direk Cathy!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
JaDine hindi raw apektado sa unwanted comments ni Direk Cathy!

Direk Cathy

Kahit naman ano pa ang sabihin ni direk Cathy Garcia Molina, na ayaw niyang idirek sina James Reid at Nadine Lustre, o kahit na sabihin pa ng director nila mismong si Antoinette Jadaone na gusto na niyang bitiwan ang pelikulang Never Not Love You noon dahil sa kaguluhan ng schedule, bale wala rin naman lahat ng iyan.

Dito sa atin, ang unang tinatanong ay “kumikita ba ang pelikula niyan”. Basta kumikita ang pelikula ng isang artista, sabihin na ninyong sakit iyan ng ulo, o kahit na ano pa, mayroon pa ring producers na kukuha sa kanila at mayroon pa ring director na gagawa ng pelikula. Napakadaling kumuha ng director. Ang daming director ng pelikula, marami nga walang trabaho. Ang kulang na kulang sa ngayon ay mga artistang kumikita ang pelikula. Kaya ang mahalaga, kung kumikita ba ang pelikula ng isang artista.

Ang dami na naming nakitang ganyan na talagang sakit ng ulo, pero dahil kumikita ang pelikula, wala silang magawa.

Bibigyan namin kayo ng isang magandang example. Dahil na rin sa mga magdamagang shooting, may panahong nagkaroon ng insomnia si Gov. Vilma Santos-Recto. Hirap siya talagang gumi­sing ng umaga. Natatandaan namin, minsan pinagalitan ng director at actor ding si Eddie Garcia ang supervising producer ng pelikula, kasi day effect ang kukunan, eh alas-kuwatro na wala pa si Ate Vi. Naging problema talaga iyon. Kaso kanino ba galing ang problema, sa kanila rin dahil magdamagan ang shooting nila ng isa pang pelikula. Pero may narinig ka bang nag-walk out o tumangging gumawa ng pelikula ni Ate Vi. Aba eh para silang manok na tumanggi sa palay noon.

Kaya iyang mga ganyang comment, hindi na dapat pinapatulan iyan. Hindi na dapat pinapansin. Iyon ang opinion nila eh. Iyon ang gusto nilang paniwalaan, eh di sige. Basta kumikita ang pelikula ng JaDine, wala nang iba pang pag-uusapan.

Bakit may nag-aartista ba para lang maidirek ng isang director? Wala naman eh. Nag-aartista sila para kumita ng pera. Iyon lang iyon.

Pelikulang pang-kuwaresma na balu-baluktot ang kuwento, tatatlo ang nanonood!

Magse-Semana Santa kaya hinabol namin ang pelikulang Mary Magdalene. Pinapili pa kami ng upuan noong takilyera, iyon pala kahit saan ka maupo puwede dahil wala namang nanonood ng sine. Tatlo lang kami sa loob ng sinehan noong magsimula ang pelikula, sa kalagitnaan lumabas pa iyong dalawa.

Medyo lihis ang ilang bahagi ng pelikula sa mga kuwentong alam natin. Ang naging batayan kasi niyan ay iyong sinasabing “gospel of Mary Magdalene” na bahagi ng mga Gnostic writings, na diumano ay nakuha noong 18th century, pero walang batayan iyon.

Hindi namin nabasa sa Bibliya na si Magdalena ay nagbinyag kahit noong buhay pa si Kristo. Hindi namin nabasa na mas maraming naituro si Kristo kay Magdalena kaysa kay Pedro o sa kanino man sa labing isa pa. In fact, ang binabanggit ng Bibliya na “pinakamalapit sa guro” ay si Juan.

Pero pelikula nga iyan eh, siguro masasabing mayroon silang “artistic license”. Siguro nga iba ang pananaw dahil ang basehan ay iyong mga tinatawag na Gnostic writings. Kaya huwag kayong mabibigla kung mapapanood din ninyo ang pelikula at maisip ninyong bakit naiba yata ang kuwento.

Para lang iyang kuwento na nabasa ninyo mula sa isang lehitimong diyaryo, at mula sa isang blogger na nagkakalat ng fake news. Nasa inyo na iyan kung sino paniniwalaan ninyo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with