^

Pang Movies

Toned abs ni Nadine lutang na lutang!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Toned abs ni Nadine lutang na lutang!

Nadine

Napa-wow ang netizens at fans ni Nadine Lustre sa latest pictorial niya para sa clo­thing brand na iniendorso nila ni James Reid. Fits­piration din kasi ang dating niya dahil lutang na lutang ang abs niya sa litrato with matching pa-legs, huh!

Body goals, sexy, ginalingan, hottie at iba pang papuri ang comments ng followers sa Instagram ng brand.

Ang alindog na ito ni Nads ang tiyak na aabangan ng fans niya sa showing ng movie nila ni James na Never Not Love You sa March 31 showing.

Maine tumulong sa library na nasunog

Napukaw ang pansin ni Maine Mendoza sa tweet ng isang teacher sa Cavite City, si Paula Jan, dahil nasunog ang library at lahat ng libro sa Cavite National High School, Chief E. Martin St. Caridad, Cavite City.

Humingi ng donasyong libro ang guro lalo na ang reference books, text books, encyclopedia at kapareho nito dahil lahat ng books nilang tulad nito ay nasunog.

Nanawagan si Meng sa kanyang Twitter ng, “Hi guys! Kung meron kayong mga libro na hindi na ginagamit, baka puwedeng i-donate nalang. Salamat sa mga tutulong!”

Isa as adbokasiya ni Maine ay makatulong sa mga estudyanteng gustong makapagtapos ng pag-aaral na rason ng pagkakaroon niya ng scholarship fund drive.

Barbie at Jak walang paki sa mga ka-loveteam

Proud boyfriend ni Barbie Forteza si Jak Ro­berto nang pinapurihan niya ang GF sa bilang substitute host sa segment na Chika Minute ng 24 Oras.

Post ni Jak sa kanyang Instagram story, “Napakahusay @barbieforteza.”

Sa totoo lang, ang cheesy moments ng dalawa ay pinararamdam nila sa isa’t isa sa Instagram. Once may post si Jak, nangunguna si Barbie sa mga liker and vice versa.

Si Derrick Monasterio man ang kapareha ni Barbie sa coming GMA series na Inday Will Always Love You habang si Jak eh si Glaiza de Castro ang babae sa Contessa, ramdam na ramdam pa rin ang init ng pagmamahalan nila sa isa’t isa na wala nang hadlang ngayon, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with