^

Pang Movies

James at Nadine ‘inaawat’ sa love scene

YSTAR - Baby E - Pang-masa
James at Nadine �inaawat� sa love scene

James

Now it can be told, Salve A., hindi si Nadine Lustre ang unang serious relationship ni James Reid, pag-amin mismo ni James sa isang interview pagkatapos ng presscon ng soon-to-be released movie nilang Never Not Love You.

Pagkalabas daw niya ng Pinoy Big Brother (PBB), ay na-in love siya. He didn’t specify, though, kung ang kanyang naging kasintahan ay fellow PBB housemate niya.

Basta, inamin niyang dinamdam niya ng labis ang paghihiwalay nila ng babae.

Taong 2014 nang gawin nila Nadine ang pelikulang Diary Ng Panget. They became instant friends. Pero hindi raw pumasok sa kanyang isipan na magiging sila.

But as the two of them now realized daw, nakatulong ng mabuti ang pagiging magkaibigan nila muna, para makilala nila ang isa’t isa, bago, wika nga, naging sila.

Mas napalapit sila sa isa’t isa sa tuwing guma­gawa ng TV projects. Nadadala pa nga raw sila ng kanilang eksena, kung minsan.

Although, may pagkakataon, na pinag-iingat sila ng director nila sa Never Not Love You na si Direk Antoinette Jadaone na ‘wag i-overdo ang kanilang love scene, as it is not yet necessary.

Samantala, kaabang-abang din ang mga lokas­yon ng shooting niya na bukod sa London ay mayroon din sa isang unexplored beach sa Zambales.

Viva Films produced Never Not Love You with Project 8 corner San Juan, a film firm which direk Jadaone reportedly co-owned with fellow director and boyfriend Dan Villegas.

Magiging abala rin si Nadine sa pelikulang The Nurse, ang kanyang unang pelikula kasama ang ve­teran actress na si Lorna Tolentino na kukunan pa ang ilang eksena sa Tok­yo, Japan.

Si James naman ay nagsimula na sa peli­kula nila ni Sarah Ge­ronimo na Miss Granny, an adaptation of a popular Korean movie, which Joyce Bernal will direct.

James is set to play the title role as well in Pedro Penduko.

Alden halos isang buwan sa America at Canada

Bagama’t ayaw ibunyag ni Alden Richards ang kinita niyang talent fee for endorsing the product, Cookie’s Peanut Butter, ganun pa man, marami ang naniniwalang hindi peanuts ang amount, naturally.

Mas magiging busy pa si Alden sa April dahil may series of show siya sa America at Canada. Aalis siya ng April 7 at babalik din bago magtapos ang said month.

Looking forward din siya na mu­ling makasama sa pelikula si Maine Mendoza. Feel niya raw, their following will appreciate na makanood silang muli na umaarte.

Magho-Holy Week si Alden kasama ang pamilya. Medyo matagal na raw nang huli silang mag-bonding. Lalo na ng kanyang lola, na favorite apo ang turing sa kanya.

Jolina manganganak na 

In less than two months, magiging second time mother na si Jolina Magdangal. Due siya to give birth with her second baby, na tiyak nila ng kanyang asawang si Mark Escueta na baby girl.

Excited din ang panganay nilang si Pele, na three years old na. The boy keeps telling them, ani Jolina, na happy siyang marinig na tawagin siyang kuya ng kanyang bunsong kapatid.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with