^

Pang Movies

JaDine ‘di alam ang story ng Never... nang magshooting!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Excited na ang fans nina James Reid at Nadine Lustre sa pagdating ng March 31, Black Saturday, dahil iyon ang opening day ng Never Not Love You ng real-lovers na shot mainly in London, at may ilang shots sa Manila at Zambales. Base raw kasi sa mga press release at interview kina James at Nadine, inamin nilang ito na ang pinaka-mature movie na ginawa nila. Isa pa ay ang paborito raw nilang director, si Antoinette Jadaone na nag-handle nito.

Hindi naman lihim ang totoong relasyon nina James at Nadine, pero hindi raw sila nagpakita ng flesh sa movie, mature ang film in the sense na matitinding dialogues ang pinakawalan nila. 

Inamin din ng dalawa na hindi nila alam ang buong story ng movie nang magsimula sila, pero habang nagsu-shooting sila, nabubuo ito at wala naman silang reklamo kung anuman ang ipinagawa sa kanila. Ito na raw ang most revealing and moving performances nina James at Nadine ayon kay Direk Antoinette na una silang idinirek sa teleserye nilang Till I Met You at On The Wings of Love.

Napapanood na ang full trailer ng movie sa VIVA’s YouTube channel and other social media platforms.  Showing sila in cinemas nationwide starting March 31 by Viva Films and Project 8 corner San Joaquin projects.

Bianca sunud-sunod ang revelations

Hindi nakalilimot si Bianca Umali na mag-post tungkol sa teleserye nilang Kambal, Karibal dahil talaga namang hindi mo iiwanan ang bawat eksena nito gabi-gabi. This week, sunud-sunod ang revelations at nakipagsabayan sa acting ang young stars kina Christopher de Leon, Carmina Villarroel, Marvin Agustin, at Jean Garcia. Madadala ka sa mahusay na acting ni Miguel Tanfelix na hindi matanggap ang pagkamatay ng Lolo Manuel (Boyet) niya na siya raw lamang ang nagpahalaga at nagbigay ng pagmamahal sa kanya na hindi naibigay ng amang si Raymond (Marvin).

Atom at Direk Mike, ‘di mapilit paputulan ang Citizen Jake

May special screening muli tonight ang Citizen Jake sa UP Film Center, Diliman kaya maraming nagtatanong kay Atom Araullo who starred and co-wrote the story with his Director Mike de Leon kung kailan daw ang commercial screening nito dahil maraming gustong mapanood ang pinag-uusapang pelikula. Pero mukhang malabo raw dahil ayaw ni Direk Mike na ipapanood ito sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), ayaw nito at siya rin na putulan kahit isa lamang eksena ang kanilang movie. 

Puwede raw kung sa mga school lamang ito maipalabas, pero papayag ba ang MTRCB na ipalabas ito sa mga school without cuts?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with