^

Pang Movies

Driver pumiyok panlalalaki ng drama actress nabuko ng kinakasama

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Malaki pala ang rason kung bakit hiniwalayan ng male TV host (MTH) ang naging girlfriend niya ng ilang taon na drama actress (DA) dahil nabuking niya ang panlalalake nito at kinasangkapan pa raw ang driver niya.

Maraming nag-akala na si DA na ang huling girl sa buhay ni MTH dahil ilang beses nang pinatunayan ni MTH ang pagmamahal niya rito.

Dinedma nga raw ni MTH ang mga babaeng nagpapapansin sa kanya dahil nag-pledge na siya ng loyalty kay DA.

Pero bigla na lang naiba ang lahat at si MTH ang nakipag­hiwalay kay DA. Ang rason, ang pakikipagtsugian ni DA sa isang baguhang male actor-singer.

Nabuking ni MTH ang pagiging two-timer ni DA dahil nagsumbong na sa kanya ang kanyang driver. Driver din daw kasi ni DA ang driver ni MTH kapag coding ang sasakyan nito.

Kuwento ng driver, parati raw nagpapahatid si DA sa condo building ng isang baguhang male actor-singer na nakilala nito sa isang event. Mahigit na tatlong buwan na raw ongoing ang secret relationship ng dalawa. May pagkakataon pa raw na naisakay niya ang male singer-actor dahil pinahatid siya ni DA sa isang raket nito.

Tinanong ni MTH ang driver kung bakit ngayon lang ito nagsalita, sey ng driver ay tinakot daw siya ni DA na matatanggal siya sa trabaho kapag nagsumbong ito. Baliw na baliw daw sa kanya si MTH kaya wala itong paniniwalaan kundi siya lang at hindi sa isang driver.

Pero hindi na raw kinaya ng driver ang nakikita niyang iniiputan ni DA sa ulo ang amo niya. Kaya naglakas-loob na itong magsumbong at handa na siyang mawalan ng trabaho.

Pero hindi siya inalis sa trabaho ni MTH at driver pa rin siya nito. Tinapos na niya ang relasyon agad-agad kay DA dahil salawahan ito at sinayang lang daw niya ang pagmamahal niya rito.

Marvin pumatol sa nang-ookray!

Hindi nga nagsisi si Marvin Agustin sa pagtanggap niya ng kontrabida role sa primetime series Kambal Karibal dahil sobrang worth it ang lahat dahil sa mataas na ratings na natatanggap nila gabi-gabi.

Ayon sa aktor, kahit na raw bina-bash siya ng netizens dahil sa pagganap niya bilang si Raymond sa Kambal Karibal, nagpapasalamat pa ito dahil pinapanood ang teleserye nila.

Sinagot din ni Marvin ang isang netizen na inookray ang Kambal Karibal pati na ang mga artista nito.

Sa naging sagot ni Marvin, malaki ang malasakit nito sa mga katrabaho niya sa show, kaya imbes na galit na response ang ibigay niya, mas mas pinili niya na mag-focus sa kanilang trabaho at sa goal nila na mapasaya ang kanilang mga manonood.

Lumabas sa autopsy

Glee star na si Mark Salling lasing nang magbigti?!

Lumabas na autopsy report ng pumanaw na Glee star na si Mark Salling. Nag-commit ng suicide ang aktor noong nakaraang January 30, 2018. Ang cause of death niya ay asphyxia by hanging.

Ayon sa Los Angeles County Coroner’s Office, natagpuan na may alcohol sa sistema ni Salling at the time of his death.

Sa toxicology report, may blood alcohol level na 0.095 si Salling noong magbigti ito. Negative naman for drugs si Salling.

Nakuha na rin ang detailed timeline bago ang mga huling oras na buhay si Salling.

Masesentensiyahan na si Salling para sa kaso niya na possession of child pornography na unang kinaso sa kanya noong 2015.

Nag-plead guilty ang aktor noong December 2017.

Um-agree ito na makulong ng apat hanggang pitong taon with supervised release for 20 years.

Dahil sa patay na si Salling, na-grant ng United States District Judge ang request mula sa U.S. Attorney’s office for dismissal of the child pornography case.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with