^

Pang Movies

Sharon proud na proud sa dinner nila ni Pres. Digong

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sharon proud na proud sa dinner nila ni Pres. Digong

Sharon at Pres. Digong

Ang Megastar na si Sharon Cuneta mismo ang nag-post ng kanyang mga picture, at nagkuwento kung gaano kasaya ang naging dinner nila ng kanyang Kuya Chet na kasama ang pamilya nito, at ilan pa nilang mga kaibigan, kasama si Presidente Rodrigo Duterte sa Malacañang.Tuwang-tuwa rin ang Megastar nang malamang kumakain din pala ng sardinas ang presidente.

Inamin niya na ang presidente ay kaibigan ng tatay niya. Iyon din daw ang idol ng kuya Chet niya. Ipinagmamalaki pa niya na noong pauwi na sila, binigyan pa sila ng presidente ng pens na souvenir.

Hindi lang dahil sa kaibigan ng tatay niya ang presidente, si Sharon naman kasi iyong walang pakialam sa pulitika. Kung iisipin mo nga kasi, si da­ting Presidente Marcos ay ninong naman sa kasal nila ni Gabby Concepcion, at kahit na nga sabi­hing nagkahiwalay sila, ninong pa rin niya iyon.

Ang asawa naman niya ngayon ay nasa oposisyon.

May isa pang punto riyan. Nagbabalik si Sharon sa kanyang career. Palagay namin malabo siyang sumama sa unpopular choice. Kailangan niya ang suporta ng publiko para makabalik sa dati niyang status bilang megastar, papaano mo naman aasahang lalaban siya sa agos? Hindi naman natin maikakaila na hanggang sa ngayon, kahit na ano ang sabihin nila, suportado pa rin ng masa ang pangulo. May mga mali rin naman sa administrasyong Duterte. Hindi mo masasabing natigil ang corruption, pero buo pa rin ang paniniwala ng masa sa presidente, at hindi natin maitatanggi iyon.

Para sa isang nagka-come back na kagaya ni Sharon, kailangan niyang sumabay sa agos. Hindi maikakaila na makakatulong din iyon sa kanya. Magugustuhan siya ng mga tao, hindi siya lalabas na antipatika kagaya ng iba.

Juancho kinakawawa ng mga alipores ni Alden?!

Doon sa statement ni Alden Richards, wala siyang sama ng loob kay Juancho Trivinio, kasi nag-text naman daw iyon sa kanya at ipinaliwanag kung ano ang nangyari kaya may kumalat na ganoong video. Ang kuwento sa amin, nagkakabiruan noon nang kunan si Juancho ng video. Biruan iyon na hindi naman kasali talaga si Alden, nagkataon lang na biglang nag-focus ang kumukuha ng video sa poster ng isang relo na ine-endorso ni Alden.

Ibig sabihin hindi naman si Alden o ang picture noon ang binig­yan niya ng “dirty finger”.

Pero tuloy pa rin ang hate campaign laban kay Juancho. Hindi lang mula sa fans, kung di maging sa press na identified kay Alden. Nag-iisip lang kami, may nagbibigay kaya sa kanila ng instructions para siraan nang ganoon si Juancho?

Arnold ibinuko ang baklang nagsu-supply ng party drugs sa mga player

Masyadong give away ang blind item ni Arnold Clavio, tungkol sa isang gay personality na mahilig sa mga basketball players at diumano ay nasa listahan na ng PDEA at PNP, dahil nagbibigay din siya ng mga party drugs, bukod sa pera, sa mga nakaka-date niya.

Iyong given data, parang wala na ngang dapat pang hulaan dahil sa dami ng clue na kanyang ibinigay. Pero in fairness wala naman siyang binanggit na pangalan. Sabi lang niya dapat naman imbestigahan para hindi masa­bing mga taga-Tondo lang ang kayang i-raid dahil sa droga. Kahit na nga ba naman bigating personality siya eh, kung lumalabag siya sa batas, dapat talaga mahuli rin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with