^

Pang Movies

Alden nabihag sa mani!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Kasabihan, di ba?, Salve A., na sa bawat successful venture, mapa-personal man ito, lalo’t sa business, o ano pa man, palaging may magandang istorya sa likod nito. An interesting story it is, kung paano napalaki at ngayon parte na ng pagkaing Pilipino, not to say, delicious recipe, ang Cookie’s Peanut Butter.

Nagsimula lang ang lahat bilang isang hobby para kay Joy Abalos-Yatco, na ang mister na si Cookie ay nagkataon namang napakahilig sa peanut butter. Naging hobby niya ang pagluluto ng kung anu-anong lutuin na nilalagyan ng peanut butter bilang giveaways sa mga kaibigan at associates nito.

Nanggaling si Joy sa isang sikat na pamilya mula sa Mandaluyong habang si Cookie naman ay isang public servant sa Biñan, Laguna.

Ngayon, ang Cookie’s Peanut Butter ay naging business company na at ang mas ikinatuwa pa nila ay nailalagay na nila ang mga produkto nila commercially, at syempre nakapagbibigay din sila ng trabaho sa maraming tao.

Nananatiling flagship ng kumpanya ang Cookie’s Peanut Butter. Hindi lang peanut butter ang binebenta nila ha, meron na rin silang Cookies Cashew Butter, at Cookie’s Peanut Butter Pangluto, meron na rin ang Mani Ni Cookie at Kasuy ni Cookie. And guess what more, Meron na ring endorser ang Cookie’s Peanut Butter Company. Yes, walang iba kundi ang GMA 7’s top actor Alden Richards na mismong tubong Laguna.

Sinabi ni Alden kamakailan lang sa kanyang presscon para sa Cookie’s Peanut Butter Company na para sa kanya ay masarap talaga ang produkto at talaga namang hindi dapat palampasin at dapat tangkilikin.

Liza kay Tony na talaga ang bagsak!

Pinili ni Tony Labrusca na huwag nang i-elaborate pa kung bakit hindi niya matawag na daddy ang kanyang amang si Boom Labrusca.

Kasama niya ang 12 pang baguhang talents ng Star Magic na ipinakilala sa press last week. Sinabi niya na lumaki siya sa Canada kasama ang stepfather niya at napakaayos ng trato nito sa kanya.

Sa nabanggit na event, Tony was accompanied by his mom, former member of the singing group, Kulay, Angel Jones.

By the way, did we hear it right na balak ituloy ni Angel ang kanyang singing career dito sa Pinas?

Of Tony na isa ring gymnast, bukod sa mahusay din siyang umawit, malamang na siya na ang gumanap na leading man ni Liza Soberano sa hindi pa man ipinalalabas ay pinag-uusapan nang Darna na ididirek Erik Matti.

Napapanood si Tony tuwing Sunday sa ASAP at kamakailan lang ay na-release na ang bago niyang single na Tanging Ikaw.

Marco nag celebrate para kay Michele

Happy for his sister na si Michele Gumabao ang young actor na si Marco Gumabao, dahil sa pagkapanalo ni Michele bilang Bb. Pilipinas Globe sa katatapos na Bb. Pilipinas-Universe 2018.

Do you know na ang mother nina Marco at Michelle na si Lolie Imperial ay ang paboritong ramp model ng the late Pitoy Moreno sa kanyang mga fashion shows?

Tubong Bicol nga pala si Lolie, tulad ni Catriona Gray, ang bagong Bb. Pilipinas-Universe.

Taga-Legaspi City ang mga Imperial, samantalang ang family naman ni Catriona ay taga-Oas, Albay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with