^

Pang Movies

Jessy bagong babae ni Coco

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Jessy bagong babae ni Coco

Jessy

Pasok na sa Ang Probinsyano si Jessy Mendiola.

Matagal-tagal na ring walang ginagawa ang girlfriend ni Luis Manzano matapos layasan ang Banana Sundae nang tumanggi siyang magpa-sexy.

Teka, mawawala na ba sa serye si Yassi Pressman na matagal din ang naging exposure na Ang Probinsyano ni Coco Martin na sa kuwento ay niloko si Coco?

Aubrey at Troy napansin nang maghubad sa farm

Nagbunga naman ng ingay sa social media ang paghuhubad nina Aubrey Miles and Troy Montero sa isang exclusive destination ng mga gustong mag-relax at mag-detox sa Batangas na dinarayo rin ng mga foreigner na gustong magpaka-healthy. Kaya naman ang tanong, ok lang kaya sa management ng nasabing resort farm na nakaladkad ang lugar nila sa hindi ganun ka wholesome na pictorial ng magkarelasyon?

Actually, hindi na naman original ang concept na naked pictorial ni Aubrey dahil ginawa na ‘yun ni Lovi Poe recently lang.

Ganunpa man, at least napansin sina Aubrey at Troy na parehong hooked sa pagwu-work-out kaya naman talagang walang maipintas sa inilantad nilang hubad na katawan.

Bianca wala pang planong sagutin si Miguel

Nasagot na ang matagal nang tinatanong ng BiGuel fans sa kanilang mga idolo na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Hindi man kasi nakita in person ang paghingi ng permiso ni Miguel sa lola ni Bianca na ligawan niya ito sa nakaraang debut ng dalaga sa EDSA Shangri-La, damang-dama pa rin ang kilig kahit na sa social media lang. Bukod dito, marami sa fans ang nagpahatid ng papuri sa ginawang ito ng Kapuso actor hindi lang sa regalo nitong all-expense paid trip to Japan, kundi dahil ipinakikita raw ni Miguel na hanggang ngayon, buhay pa rin ang kulturang Pinoy na pagrespeto sa matatanda.

Isa pa, pinatunayan lang nito na kaya n­iyang panindigan ang kanyang salita na kapag duma­ting na si Bianca sa tamang edad na 18 years old ay saka pa lamang niya ito liligawan. Kitang-kita talaga ang magandang pagpapalaki ng mga magulang ni Miguel sa kanya.

Ang tanong na lang ng marami ngayon: Kailan kaya siya sasagutin ng dalaga?

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with