^

Pang Movies

Kasal ni Joey simple at walang coverage

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Kasal ni Joey simple at walang coverage

Joey & Eileen

Mayroon talagang forever sa mga tunay na nag-iibigan at pinatunayan ito nina Joey de Leon at Eileen Macapagal, dahil after 35 years of being together, ikinasal na sila last Monday, March 19, 2018 na Feast Day ni St. Joseph. 

Ginanap ito, at first time na nagkaroon ng kasalan, sa Supreme Court of the Philippines. Post ni Pauleen Luna-Sotto: “A testament of His love and mercy, today, we say together that God listens to those who believe.”

At si Joey: “Pasasalamat ko ay pang-habang panahon, ang hiling ko na lang ay sana’y maglaon, pagsasama natin kaloob ng Panginoon. Maraming salamat Eileen de Leon. God listens to those who believe!”

Simple lamang ang wedding, no cameras, pero umani ng maraming pagbati sina Joey at Eileen sa social media.

Ginanap ang reception sa Champagne Room of the Manila Hotel. At naging parang pampamilya ang mga guests na mula sa mga Dabarkads ng Eat Bulaga. Mag-aasawa at mga anak ng Dabarkads ang dumalo.  Naroon din sina Alden Richards, Maine Mendoza, Judy Ann- Santos-Agoncillo, Luane Dy, Allan K, Steeve Mago, Jose Manalo, Helen Gamboa-Sotto, Wally Bayola, Jimmy Santos, Coney Reyes with son Pasig City Councilor Vico Sotto, Mr. Tony Tuviera at ilan pang executives ng EB.

Mula po sa amin dito sa PM, our congratulations and best wishes to Henyo Master Joey de Leon and her lovely bride, Eileen Macapagal-de Leon. More blissful years of togetherness and God bless you and your children.

Michael V, gustong pagsabungin sina Alden and Maine

Kung makakakuha sa busy schedule nina Alden Richards at Maine Mendoza, gusto ni Kapuso comedy genius Michael V at multi-talented TV host-actress Iya Villania-Arellano as color commentator ng nagbabalik na musical-reality competition na Lip Sync Battle Philippines sa third season nito, open sila na ang AlDub ang maging magkalaban sa show. Si Maine daw kasi ay unang nakilala sa pagda-dubsmash nang sumali sa Eat Bulaga. Si Alden with Jerald Napoles noon ang naglaban sa pilot ng first season ng show.

Hindi nagkamali sina Bitoy at Iya dahil nang mai-post ang tungkol sa show, marami nang fans na nag-request na sana raw ay mai-guest sina Alden at Maine, meron ding nag-request na i-guest din sina Carla Abellana at Tom Rodriguez at sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

May pagbabago sa mga sasali sa competition. Kung dati ay dalawa lamang ang magkalaban, ngayon may 3-way at 4-way nang magkakalaban. Pwede ring sumali ang mga nag-compete sa first two seasons, pero kailangang iba na ang kanilang ka-partner. Ang mananalo ay tatanggap pa rin ng Lip Sync Battle Championship Belt.

Nagsimula nang mag-taping si Direk Rico Gutierrez ng episodes ng show pero hindi pa nila alam kung sino ang unang maglalaban sa pilot episode nila sa Sunday, April 1, 2018.  

Mauunang mapanood ang Daig Kayo Ng Lola Ko na idinidirek din ni Rico, kasunod ang Lip Sync Battle Philippines.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with