^

Pang Movies

Trese anyos pa lang Awra may bahay, lupa, at sasakyan na

Jun Lalin - Pang-masa
Trese anyos pa lang Awra may bahay, lupa, at sasakyan na

Awra

Very proud si Awra Briguela na at the age of 13 ay marami na rin siyang naipundar kasama na ang bahay at lupa, pati van, na pinakikinabangan din daw ng kanyang pamilya!

Hindi rin daw waldas sa pera si Awra dahil itinatabi ng kanyang parents ang 50% para sa kanyang future.

Ang ibang kinikita niya ay para naman sa pangangailangan ng kanyang pamilya at masaya siya dahil sa edad nga niya ngayon ay nakakatulong na siya sa kanyang pamilya!

Mga kaibigan ni Manny ayaw manood sa Malaysia

Maraming celebrities na madalas na nagpupunta sa mga boxing fight ni Manny Pacquiao ang tila tinatamad na magpunta sa Kuala Lumpur, Malaysia, ang next venue ng boxing fight ng ating Pambansang Kamao.

Mas type pa ng mga nakausap namin kung sa Las Vegas, Nevada uli ang susunod na boxing fight ni Manny. Wala naman silang binigay na rason kung bakit ayaw nilang bumiyahe sa Malaysia.

Well…

BB. Pilinas winners, hinarana ni Erik

Guest ang Binibining Pilipinas 2018 winners kahapon sa Uma­gang Kay Ganda ng ABS-CBN.

In fairness, kahit sobrang aga, ang fresh ng dating nila!

Ang isa sa UKG hosts na si Ariel Ureta, na-excite na makita in person si Binibining Pilipinas-Universe Catriona Gray dahil kababasa pa lang niya ng isang broadsheet kung saan ay nasa front page ang kauna-unahan nating beauty queen na nag-represent na ng bansa sa Miss World 2016 ay magre-represent pa uli sa atin sa darating na Miss Universe 2018 beauty pageant.

In fairness, ang ganda-ganda ni Catriona at beauty queen na beauty queen ang dating niya!

Ang komento naman ng ibang mga nasa studio ng UKG sa volleyball player na si Michele Gumabao, dapat daw ay siya ang naging Binibining Pilipinas-International at hindi ‘yung Binibining Pilipinas-Globe lang, ‘noh?!

Hinarana ni Erik Santos ang winners kahapon.

In fairness uli, kahit maaga, ang ganda ng boses ni Erik, huh! Wala raw problema sa singer kahit gaano pa siya kaagang pakantahin.

Showtime hosts hindi magpapaiyak sa Semana Santa

Nakatsikahan namin si Amy Perez sa dressing room ng UKG.

Paalis pala siya bukas pa-Los Angeles, California kasama ang mga anak.

Pupunta rin daw sila sa New York at medyo problema raw ang sobrang lamig sa lugar na ‘yon.

A-absent muna sa UKG, It’s Showtime at sa radio show nila ni Marc Logan sa DZMM na Sakto, si Amy.

Naikuwento rin pala sa amin ni Amy na hindi sila magda-drama sa Lenten special ng It’s Showtime.

Bale ang ginawa raw niya, nag-immersion.

“Sabi ng staff ng It’s Showtime, kung okey lang ba na 5:00AM nila ako susunduin sa bahay para sa immersion shoot namin, sabi ko naman, okey lang. Nakalimutan nila na sanay na sanay ako gumising ng maaga dahil nga rito sa UKG. Saka 8:00PM pa lang kasi, tulog na ako,” sey ni Amy.

Jeron binantayan ng tatay sa UKG

Nasa UKG din kahapon ang mag-amang Alvin at Jeron Teng.

Dapat ay si Jeric Teng ang kasama ni Jeron sa guesting na ‘yon, pero maaga ang practice kahapon ni Jeric para sa Global Port PBA team, kaya pinalitan na lang siya ng kanyang tatay sa guesting na ‘yon.

Birthday kasi ni Jeric noong Sunday at ngayon naman ang birthday ni Jeron, kaya may guesting sila sa nasabing morning show ng ABS CBN.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with