^

Pang Movies

James at Nadine halos hindi na naghihiwalay!

Joe Barameda - Pang-masa
James at Nadine halos hindi na naghihiwalay!

Nadine Lustre at James Reid

MANILA, Philippines — Sobra ang pagmamahalan nina James Reid at Nadine Lustre sa tunay na buhay. Hindi na yata naghihiwalay ang dalawa. Hindi lang ako sure kung nagli-live-in na ang dalawa. 

Ngayon ay abala ang da­lawa sa pagpo-promote ng movie nila na Never Not Love You. Magsisimula itong ipalabas sa Sabado de Gloria, March 31. Wala itong makakasabay at full support daw ang Star Cinema although Viva ang nag-produce nito. Sa London pala ang principal photography nito at may mga kinunan din daw dito sa Manila at Zambales.

Naloloka ang dalawa sa mga tanong ng movie press na minsan ay ayaw na nilang sagutin. Naganap ang presscon noong Sabado, March 17 sa Fisher Mall. Basta magiging abala silang dalawa sa promo ng movie sa mga darating na araw.

Bianca nagmukhang santa sa may ilaw na gown

Bongga ang debut ni Bianca Umali na sa isang ballroom ng EDSA Shangri-La Hotel. All out support at full force ang GMA executives na dumalo sa event na ito para samahan siya sa napaka-engrandeng gabi. Take note pumasok sa loob ng venue ng debut si Bianca na umiilaw ang gown huh. First time ko yatang nakakita ng ganoong gown. Sa mga karo ng prusisyon lang yata ako nakakakita ng ganoon. Iba na talaga ang mga designers ngayon.

Samantala, patuloy na namamayagpag sa ratings ang Kambal Karibal. Kaya isang malaking blessing ito sa kaarawan ni Bianca pati na rin sa bumubuo ng naturang serye.

Gusto rin nga palang linawin ng Kambal Karibal productions na hindi nila pinabayaan si Christopher de Leon nang magkaroon ng problema sa taping.

Sa katunayan mula noong nangyari iyon ay in close contact and communications between Boyet and the EP of Kambal Karibal up to the present time. Binabati pa nga daw ni Boyet ang production ng Kambal Karibal sa magandang ratings nito. Si Christopher ay kasalukuyang may project sa ABS-CBN.                                       

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with