^

Pang Movies

Miguel at Bianca may chaperone sa Japan!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Miguel at Bianca may chaperone sa Japan!

Miguel Tanfelix at Bianca Umali

Pasabog talaga ang birthday gift ng Kambal Karibal leading man na si Miguel Tanfelix sa ka-loveteam niyang si Bianca Umali sa grand debut nito sa EDSA Shangri-la last Saturday. Sikreto talaga ang gift niya na ikinagulat at pinalakpakan ng mga guest. Una ay ang paghingi niya ng permiso kay Mama Vicky (lola ni Bianca na nagpalaki sa kanya) na sabihin na ang matagal nang nilalaman ng puso niya.  Sinagot ito ni Mama Vicky na “mga bata pa kayo, darating din kayo diyan” pero sagot ni Miguel, “liligawan ko pa po lamang si Bianca.”

Ang second birthday gift ni Miguel ay isang all-expense paid trip to Japan, kasama siya at para hindi raw mag-alaala si Mama Vicky, magsasama sila ng mga pinsan ni Bianca. 

Napayakap nang mahigpit si Bianca kay Miguel matapos mabasa ang card dahil alam daw ni Miguel na iyon ang gusto niya talagang puntahan. Last year ay nakapunta na roon si Miguel ng Holy Week at pangako niya kay Bianca na babalik siya roon kasama ang dalaga.

Sa Sunday PinaSaya last Sunday, formally the BiGuel loveteam was welcome as mainstays na. Isang birthday celebration din ang ginawa at no other than the hosts Marian Rivera at Alden Richards ang nag-welcome sa dalawa sabay biro ng kiss daw na ikinatili naman ng mga fans. Isa pang magandang birthday gift kay Bianca at kay Miguel na rin, na patuloy na umaakyat ang ratings ng kanilang primetime drama series na Kambal Karibal.

Aicelle, tinuruan ni Isay gumiling

Sa Thursday, March 22 na ang alis ni Aicelle Santos for Manchester, United Kingdom, para sa pagsisimula ng rehearsals niya bilang Gigi Van Trahn sa Miss Saigon UK tour. Nag-post si Aicelle sa kanyang Instagram kasama ang fiancé na si Mark Zambrano, at ang mag-asawang Isay Alvarez at Robert Seña na parehong original members ng Miss Saigon sa London.  Close si Aicelle sa mag-asawa dahil two years din silang magkasama sa musical play na Rak of Aegis sa PETA.

“Nagbilin si nanay (Isay) sa tamang paggiling.  Si tatay (Robert) nagkwento kung gaano ka-exciting ang bagong lakbaying ito...At marami pang payo tungkol sa buhay mag-asawa mula sa tatay at nanay namin ni mahal.  Truly grateful for @isayesena at @tataynimiong2 in our lives.  We love you, nay, tay.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with