^

Pang Movies

Coronation ng Binibini lunes na natapos!

Jun Lalin - Pang-masa
Coronation ng Binibini lunes na natapos!

Catriona at Rachel

Si Catriona Gray ang big winner sa ­Binibining Pilipinas 2018 grand coronation night. Nakuha niya ang titulong Binibining Pilipinas-Universe.

Hindi nakakapagtakang si Catriona ang big winner noong Sunday night dahil ‘yon naman ang inaasahan ng majority ng beauty pageant fans na nagpunta sa Smart Araneta Coliseum.

Ay, correction nga pala, hindi pala Sunday night dahil early Monday morning na natapos ang Binibi­ning Pilipinas 2018 grand coronation night na sina Richard Gutierrez at Pia Wurtzbach ang nag-host dahil ang tagal pa ng deliberation ng mga taga-Bini­bining Pilipinas Charities, Inc. na pinamumunuan ni Mrs. Stella Marquez-Araneta, at ng judges., matapos ang Question & Answer portion.

Ang sabi, sinadya raw na isabay na sa TV airing ng ABS-CBN ang announcement sa Smart Araneta Coliseum ng winners Binibining Pilipinas 2018 para hindi mawalan ng gana ang mga nanonood sa TV na una pa nilang malalaman sa social media.

Sabi sa amin ng talent coordinator na si Winnie Mariano, live na nga raw ‘yung announcement ng winners!

Hindi naman nainip ang mga tao sa Smart Araneta Coliseum dahil may mga kumanta at ipinalabas din ang ilang bahagi ng Road To The Crown na primer ng nasabing beauty pageant.

Sinon umeksena sa Araneta

Ilang beses naming nakasalubong ang Eat Bulaga talent na si Sinon Loresca sa loob at labas ng Smart Araneta Coliseum.

Rampa siya nang rampa.

Biniro nga namin si Sinon na “Rampa Queen” ang title niya at natawa lang siya.

In fairness, maraming naaliw sa pag-“eksena” ni Sinon sa loob at labas ng Smart Araneta Coliseum.

Napakaraming nagpa-picture kasama siya. At ang suot niyang knee-high boots na white, pangkabog talaga, huh!

Si Sinon ang self-proclaimed The King of the Catwalk ng Pilipinas!

Beauty queen turned actress bumakat ang taba sa suot na gown

Isang beauty queen turned actress (hindi na rin naman siya masyadong active ngayon sa pag-arte) ang nagpunta rin sa Binibining Pilipinas 2018 grand coronation night.

Sad to say, marami ang naawa sa kanya dahil parang ang tanda na niyang tingnan at obvious din ang mga bilbil niya sa suot na gown.

Pinansin nga ng isang showbiz personality ang pagtaba ni beauty queen turned actress, kaya naloka siya!

Ilang beses din naming nakitang rumarampa si beauty queen turned actress sa loob ng Smart Ara­neta Coliseum.

May ibang former beauty queens naman na akala yata nila ay ruma­rampa pa rin sila sa stage ng Binibining Pilipinas kung makapaglakad.

Ang iba sa kanila, papansin, pero dedma lang ang mga tao dahil hindi naman sila nagkaroon ng korona sa international beauty pageants na sinalihan nila!

Ariella at Maxine di nagdamot sa pagpapa-picture

Sabay dumating sa Smart Araneta Coliseum ang former beauty queens na sina Ariella Arida (Miss Universe 2013 3rd runner-up) at Maxine Medina (representative natin sa Miss Universe 2016 na ginanap dito sa ating bansa).

Marami ang natuwa sa dalawa dahil pinagbigyan nila ang beauty pa­geant fans na gustong magpa-picture kasama sila.

Smile rin nang smile ang dalawa sa lahat ng mga taong bumabati sa kanila!                                             

Jason nakabantay kay Vickie

Matiyagang nanood sa girlfriend niyang si Vickie Rushton ang The One That Got Away actor na si Jason Abalos.

Si Vickie ang 1st runner-up sa Binibining Pilipinas 2018.

Si Marco Gumabao naman, nagbantay sa kapatid niyang si Michele Gumabao na kinaronahan bilang Binibining Pilipinas-Globe.

Barbie nakiki-promote ng Contessa

Ang pilot telecast kahapon ng Contessa na pinagbibidahan ni Glaiza de Castro.

Isa si Barbie Forteza sa mga nag-promote sa Instagram ng Contessa dahil kasama roon ang boyfriend niyang si Jak Roberto. In fairness, maganda ang feedback sa pilot telecast ng Contessa!

Panalo talaga ang mga afternoon series ng GMA 7 katulad ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Mga bading sa eb at showtime kinaaaliwan!

Marami ang naaaliw sa Super Sireyna ng Eat Bulaga.

Aliw rin ang fans sa Miss Q & A ng It’s Showtime.

Marami kaming mga kilala na unang pinapanood ang Super Sireyna ng Eat Bulaga at saka naglilipat sa It’s Showtime para abangan naman ang Miss Q & A.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with