^

Pang Movies

Edu mas pinili si Coco kesa sa bagong kontrata

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Edu mas pinili si Coco kesa sa bagong kontrata

Edu Manzano

Nakausap ng ilang entertainment press si Edu Manzano sa first anniversary ng bakeshop ni Ara Mina na Hazelberry Café kamakailan at dito ay ikinuwento niya kung paano siya nagbalik-ABS-CBN.

Lumabas si Edu sa GMA shows na Celebrity Bluff at Alyas Robin Hood 2.

Pero ngayon ay balik-Kapamilya na nga siya dahil kasalukuyan siyang napapanood sa FPJ’s Ang Pro­binsyano.

Ayon kay Edu, may offer daw ang GMA 7 to renew his contract pagkatapos mag-expire pero nagkataon naman daw na may offer na rin ang ABS-CBN sa kanya.

Kwento pa ng aktor, matagal na raw actually ang offer sa kanya na um-appear sa FPJAP at si Coco Martin daw mismo ang laging nag-aalok sa kanya.

“Sa tinagal-tagal ko dito sa industriya, siguro lahat nakatrabaho ko na, eh. Si Coco ngayon lang, pero tuwing nagkikita kami, laging, ‘Kuya Doods, trabaho na tayo.’ Pinag-uusapan namin kung kelan kami magkakatrabaho,” kwento ni Edu.

Ayon pa sa aktor, pwede naman siyang mag­pa­lipat-lipat talaga ng network. Bago siya napanood sa GMA 7 ay nasa ABS-CBN siya at napanood pa sa Bridges of Love, Someone to Watch Over Me at My Dear Heart.

Anyway, masayang-masaya naman si Ara sa success ng kanyang Hazelberry Café na matatagpuan sa Pwesto Community Mall sa Fairview. Dinarayo ang kanyang café at pini­pilahan ang kanyang bestseller cakes na Red Velvet and Oreo Cheesecake.

Jake… ni Atom malabong mapanood sa mga sinehan

Bilang selebrasyon ng National Breakfast Day ng McDonalds kahapon ay nagkaroon ng “breakfast presscon” ang talent manager na si Noel Ferrer para sa kanyang mga talent partikular na si ­Atom Araullo na may bagong advocacy ad para sa nasabing fast food chain.

Sa tsikahan with the press ay natanong si Atom kung kailan magkakaroon ng commercial run ang film debut niyang Citizen Jake na comeback movie rin ng direktor na si Mike de Leon at ayon sa journalist/newbie actor, hindi pa rin daw niya masabi talaga pero siyempre ay umaasa rin daw siya na marami pa sana ang makapanood ng movie.

“Pero maraming kailangang isipin, maraming considerations, so we have to wait for the next announcement,” pahayag ni Atom.

Narinig ba niya ang issue na tila ayaw umanong i-review ng MTRCB (Movie and Television Review Classification Board) ang pelikula?

“As a director and the producer, I’m sure that’s something that Mike is thinking about. He doesn’t want any cuts in the movie, neither do I, as a co-scriptwriter, so we really have to see what’s the best thing to do, kung ano ang best move at this stage,” he said.

Okay lang ba sa kanya kung sa school na lang iikot ang movie at walang commercial run?

“As long as more people get to see it, I’m all for it,” sambit niya.

Natanong din namin ang journalist/newbie actor kung ano ang feeling niya na ang daming kontrobersiya sa first mo­vie niya at aniya, hindi na raw siya nagulat dito.

Samantala, bukod kay Atom, dumalo rin kahapon sa “breakfast presscon” ang iba pang ta­lents ni Noel na sina Iza Calzado, Joross Gamboa, Edgar Allan Guzman, Marco Alcaraz, Joanna Ampil, Mitch Valdez, Rowell Santiago, among others

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with