^

Pang Movies

Pia pinagsamantalahan ang pagho-host sa Binibini!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Pia pinagsamantalahan ang pagho-host sa Binibini!

Pia Wurtzbach

Panay ang plug ni former Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na panoorin ang kanyang currently showing movie na My Perfect You, with Gerald Anderson, habang nagho-host sila ni Richard Gutierrez ng recently concluded Bb. Pilipinas Universe tilt sa Araneta Coliseum.

Of Gerald, isa siya sa mga juror na namili ng mga winner in this years beauty tilt. Isa pang showbiz personality na featured din bilang judge ay si Miss International 2005 Lara Quigaman.

Si Lara na kasal na ngayon kay Marco Alcaraz ay nasa cast din ng Bagani. Hindi naman na masyadong busy sa showbiz project ang kanyang mister. Two months pregnant ngayon si Lara sa second baby nila ni Marco.

Coco walang paki sa birthday ni Julia

Julia Montes turned a year older yesterday at ipinagdiwang niya ito kasama ang mga kaibigan na nilutuan niya sa mismong show nina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal, ang Magandang Buhay.

Ilan sa friends niyang dumalo ay sina Trina Legaspi, Isabel Oli, at Dimples Romana.

Ang inaasahang pagbati sa kanya ng kanyang rumored boyfriend na si Coco Martin kahit on TV man lang ay hindi naganap.

Weekdays, napapanood si Julia sa kanyang series na Asintado kasama sina Shaina Magdayao, Lorna Tolentino, Aljur Abrenica, and Paulo Avelino, among others.

 Hayan, Salve A., at totoo nga palang nagsu-shooting na si Liza Soberano ng Darna na idinidirek ni Erik Matti at ipo-produce ng Star Cinema.

Dahil dito ay tiyak na matitigil na ang mga sabi-sabi na hindi na matutuloy ang pagsasa-pelikula ng itinuturing na pinakasikat na local super heroine noon at magpahanggang ngayon.

In an interview, though, ikinuwento ni Liza na hindi pa niya matuluy-tuloy ang pagtatrabaho sa Darna  dahil abala nga siya sa taping ng impressive action-fantasy series niyang Bagani, kasama ang kanyang reel and real-life boyfriend na si Enrique Gil bilang kanyang leading man.

Kung sa Darna naman ang pag-uusapan, wala pa siyang ideya hanggang ngayon kung sino ang kanyang magiging leading man. Although, may usap-usapang posibleng si Tony Labrusca, na lumaki rin sa U.S. (pero ang mga magulang na sina Boom Labrusca at Angel Jones ay mga Filipino) ang kanyang makakatambal.

Kung sa bagay, maski si Tony ay sinabing hindi pa rin niya sigurado kung totoo nga na siya ang makakapareha ni Liza sa Darna pero kapag nagkatotoo raw ito ay ikatutuwa niya.

Nauna nang lumabas si Tony sa katatapos na seryeng La Luna Sangre na tinatampukan nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Ri­chard Gutierrez.

Aiko hanggang sa commercial muna ng manok 

Proud si Aiko Melendez sa pagiging single mom. Dalawa ang kanyang anak, na magkaiba ang ama na pareho niyang pinakasalan at pareho ring na-annul.

Graduate na ng high school sa Ateneo de Manila University at isang aspiring actor si Andre (19) na anak niya sa kanyang unang asawa na si Jomari Yllana, currently a councilor ng Parañaque City.

Pagkatapos nito ay pinakasalan na­man niya ang kilalang chef na si Mar­tin Jickain, father naman ni Mar­thena, now 11 years old.

Maganda at gwapo ang mga anak ni Aiko na nagmana sa kanya at sa mga ama nito.

In fairness daw sa kanya, she has good relationship with her exes. Kaya, close ang mga anak niya sa daddy nila.

Fresh from her stint as a corrupt go­vernment official in the series, Wildflower, which had Maja Salvador playing the title role, madalas mapanood si Aiko kasama si Glady Reyes sa isang TV commercial ng manok.

Looking forward naman si Aiko na gumawa ng pelikula, mapa-mainstream o indie production.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with