^

Pang Movies

Kandidata sa Binibini na si Sandra Lemonon butata sa tanong ng judge!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi nasagot ng Bb. Pilipinas 2018 candidate na si Sandra Lemonon ang tanong tungkol sa insights niya sa build build program ng gobyerno kaya dismayado ang fans na hoping na mananalo siya ng beauty title.

Hinahangaan ang honesty ni Sandra dahil inamin nito na hindi niya napag-aralan ang tanong sa kanya ng male judge na sinisisi naman ng fans.

Kung naipaliwanag daw na mabuti ng male judge kay Sandra ang tanong niya, baka sakaling nakasagot ng maayos ang naligwak na aspiring beauty queen.

Nangyari na ang nangyari. Hindi pa siguro panahon para matupad ang dream ni Sandra na maging beauty queen. Better luck next time kung meron pa dahil baka hindi na siya qualified sa age requirement ng Bb.Pilipinas sa susunod na taon.

Pia bihasa na sa hosting

Confident na confident si Pia Wurtzbach bilang host ng Bb. Pilipinas 2018.

Nakadagdag sa confidence ni Pia ang Miss Universe crown na napanalunan niya noong 2015.

Pinaghirapan, pinaghandaan at nag-aral nang todo si Pia tungkol sa current events nang sumali siya sa Bb. Pilipinas at Miss Universe noong 2015 kaya hindi talaga papasa sa mga hurado ang pralala ni Sandra Lemonon na hindi nito naaral ang build build question ng male judge.

Si Pia ang buhay na buhay na halimbawa na dapat na laging handa ang lahat ng may pangarap na nais na matupad. Hindi lamang ganda ang puhunan sa pagsali sa mga beauty contest dahil mahalaga na may utak ka.

Jason pakakasalan na si Vickie

Nanghihinayang ang fans dahil first runner up lang sa Bb. Pilipinas 2018 si Vickie Rushton, ang ex PBB housemate na girlfriend ng The One That Got Away star na si Jason Abalos.

May title man si Vickie o wala, hindi magbabago ang pagmamahal sa kanya ni Jason na nagsalita nang tapos na ang girlfriend ang pakakasalan niya.

Ikinuwento noon ni Jason sa mga repor­ter na bumisita sa Bulacan set ng The One That Got Away ang sobrang love niya kay Vickie at sa pamilya nito.

Bilib na bilib si Jason sa unconditional love ni Vickie sa pamilya. Ang girlfriend niya na may bulag na ina at kapatid na special ang breadwinner ng pamilya.

Dating beauty queens na nag-abalang magbihis hindi nahagip ng camera!

Nag-attend sa coronation ng Bb. Pilipinas 2018 ang mga past beauty queen na hindi raw nabigyan ng importansya dahil hindi man lamang nadaanan ng mga TV camera.

May suggestion ang fans ng mga ex-beauty queen, ang i-acknowledge sa susunod na Bb. Pilipinas beauty pageant ang mga dating title-holder dahil nag-effort sila na magbihis at magpa-make up para sa nasabing event.

Napuyat din ang mga ex-beauty queen na inabot ng madaling-araw ang panonood ng coronation ng bagong winners sa Big Dome.

Rachel inilantad na ang tattoo

True ang tsismis na may mga tattoo sa katawan si Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters.

Sleeveless ang gown na suot ni Rachel kaya nakita sa TV ang tattoo niya na nahagip ng mga television camera.

Ang alam ng madlang-bayan, taboo sa organizers ng Bb. Pilipinas ang mga kandidata na may tattoo sa katawan kaya wondering sila kung paano nakalampas sa matalas na paningin ng mga tauhan ng Bb. Pilipinas Charities Inc. ang mga tattoo ni Rachel.

Hindi lang si Rachel ang may tattoo dahil may itinatago rin na tattoo sa katawan ang another beauty queen na si Katarina Rodriguez.

Ako ang makapagsasabi na walang any tattoo sa katawan si Mariel de Leon dahil makinis na makinis talaga ang balat niya. Tapos na ang mga responsibility ni Mariel sa Bb. Pilipinas kaya puwedeng-puwede na siya na mag-concentrate sa acting career niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with