^

Pang Movies

Bong pabor sa pagkanta ni Napoles

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bong pabor sa pagkanta ni Napoles

Bong Revilla, Jr.

Sa lahat ng mga nasangkot sa PDAF scam na ibini­bintang kay Janet Napoles, si Bong Revilla, Jr. ang hindi natatakot kung sakaling magsalita ang businesswoman.

Actually, type na type ni Bong na sabihin ni Napoles ang the truth and nothing but para magkaalaman na kung sino ta­laga sa mga pulitiko ang involved sa PDAF scam.

Welcome kay Bong ang pag­sasalita ni Napoles dahil it’s about time na malaman ng lahat ang katotohanan.

Sumusumpa si Bong na inosente siya sa mga kasalanan na ibinibintang laban sa kanya at apat na taon na niya na pinagdurusahan.

Wondering nga si Bong dahil may mga tao na afraid sa balita na magsasalita si Napoles dahil kung talagang inosente ang mga scared pulitiko, walang reason para kabahan sila.

“Why is everyone so afraid of what Napoles has to say?

“I will reiterate what I have said over 4 years ago - let her speak and say everything she knows.

“State witness or not, she has to spill the beans. Tamaan ang dapat tamaan; mapanagot ang dapat managot; at maparusahan ang mga tunay na dapat maparusahan.

“There are people who would prefer she keep quiet. Sila yung may mga itinatago at kinatatakutan.

I have nothing to be afraid over what she says because I too want to know the truth.

“I want to know how I was victimized by politics. It’s time the truth comes out,” ang sabi ni Bong na walang idea sa kahihinatnan ng kaso niya o kung kailan siya makakalabas ng kulungan.

Mabuti na lang, sa apat na taon na pagkakapiit ni Bong, hindi siya nawawalan ng mga dalaw na patuloy sa pagbibigay sa kanya ng lakas ng loob.

James at Nadine walang sagot sa isyu ng sex

Hindi sinagot nina James Reid at Nadine Lustre ang tanong tungkol sa sex nang magkaroon ng presscon ang Never Not Love You noong Sabado.

Wise enough sina James at Nadine na huwag sumagot dahil knows nila na kahit ano pa ang kanilang sabihin, sure na mabibigyan ng kulay.

Aligaga na ang dalawa sa promo ng Never Not Love You kaya may mga imbitasyon sila na hindi mapagbigyan.

Dalawang movie ang magkasabay na ginawa ni James, ang Never Not Love You at ang Miss Granny.

Hindi pa mababakante si James dahil pagkatapos ng shooting ng Miss Granny, gagawin niya ang Pedro Penduko.

Aalis naman si Nadine dahil pupunta ito sa Japan para sa shooting ng The Nurse.

Si Lorna Tolentino ang co-star ni Nadine sa The Nurse. Malaki ang tsansa na mag-shooting din si LT sa Japan kaya kailangang ayusin ang taping schedule niya para sa Asintado, ang Monday to Friday afternoon teleserye ng ABS-CBN.

Antoinette hindi nakulit ng mga reporter

Wala si Antoinette Jadaone sa grand presscon ng Never Not Love You sa Expo Hall ng Fishermall.

Sina James at Nadine lamang ang humarap sa entertainment press na never nagtanong tungkol sa insidente na nangyari noon sa shooting ng pelikula.

Kung dumalo si Jadaone sa presscon, baka kinulit pa siya ng mga reporter na naghahanap ng mga kontrobersyal na balita.

Kusang namatay ang isyu dahil natapos ng walang aberya ang shooting sa London ng Never Not Love You. Si Jadaone ang direktor ng James-Nadine starrer.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with