^

Pang Movies

JaDine movie kinukumpara kina Boyet-Vilma

Jun Lalin - Pang-masa

Ang presscon ng Never Not Love You nina James Reid at Nadine Lustre noong Saturday sa isang mall sa Quezon City.

Napuno ng JaDine fans ang nasabing mall dahil bago ang presscon ay nagkaroon muna sila ng mall event.

Inaabangan na ang showing ng Never Not Love You sa March 31.

Obvious na magiging blockbuster ang Never Not Love You dahil ang tindi ng feedback sa kanilang trailer.

Marami ang nagsasabing parang pelikula noon nina Christopher de Leon at Vilma Santos ang dating ng trailer ng Never Not Love You. Natuwa sina James at Nadine sa ganoong feedback sa trailer ng Never Not Love You.

Isang malaking karangalan para sa JaDine na maihalintulad sila kina Christopher at Vilma!

Ogie at Bitoy hindi apektado ng banggaan ng network

Kahit matagal na silang magkahiwalay ng TV networks, wala pa ring nagbabago sa friendship nina Ogie Alcasid at Michael V.

Magkapit­ba­hay lang sina Ogie at Michael sa isang posh village sa may Quezon City.

“He lives a few houses away from me,” sey ni Ogie tungkol sa kanyang best friend.

Iniwan man ni Ogie si Michael sa Bubble Gang, hindi naman nagkaroon ng lamat ang friendship ng dalawa dahil doon.

Kahapon, naglaro pa sila ng basketball.

“We try every Sunday, pero ngayon lang naulit ‘yung pagba-basketball namin. Matagal ding napahinga,” sabi ni Ogie.

Hindi nga affected ang friendship nina Ogie at Michael ng networks war!

Alden at Maine wala nang pag-asang magtamba?l!

Anim na episodes ang Lenten special ng Eat Bulaga, tig-two episodes a day sila si­mula sa March 26 hanggang March 28.

Inakala ng AlDub fans na magkakaroon ng episode na sina Alden Richards at Maine Mendoza ang magkapareha, pero hindi magkakatotoo ‘yon.

Sina Joey de Leon, Tito Sotto, at Tirso Cruz III kasi ang kasama ni Alden sa Haligi ng Pangarap episode. Si Maine naman, sina Vic Sotto, Allan K., Jimmy Santos, Anjo Yllana at Rita Avila ang mga kasama sa episode na Taray Ni Tatay.

So, mali ang akala ng AlDub fans na masu-surprise sila ng Eat Bulaga ngayong Holy Week at gagawing magkapareha sina Alden at Maine sa isang episode ng Lenten Special nila.

Baby shower ni Isabelle nagmukhang sports festival

Sports Festival ang theme ng baby shower nina Isabelle Daza at Adrien Semblat para sa nalalapit na pagdating ng kanilang first baby! Nagpaka-athlete ang lahat ng mga um-attend doon.

Kakaiba ang gimik na ‘yon ng mag-asawang Isabelle at Adrien para sa kanilang official baby shower.

‘Yung first baby shower naman kasi ay surprise lang at ang grupo ni Georgina Wilson ang nag-organize.

Jeric at Jeron hindi ?party animal

Ang birthday dinner kagabi ng PBA player na si Jeric Teng sa isang Italian restaurant kasama ang buo niyang pamilya. Bale 27 years old na si Jeric.

Isang family friend ang nagbigay ng birthday dinner na ‘yon. Hindi rin kasi mahilig mag-birthday party ang basketbolista.

Sa Wednesday naman, birthday na rin ng bunso ng mga Teng, si Jeron Teng. Bale 24 years old na si Jeron sa birthday niya.

Nang tanungin namin si Jeron kung may birthday party siya, hindi pa siya sure sa bagay na ‘yon, pero katulad din ni Jeric, hindi mahilig magpa-party si Jeron. Kadalasan, small celebration lang with his family and some friends ang gusto ng PBA rookie.

vuukle comment

JERIC TENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with