^

Pang Movies

Ibinuko ng mga kasamahan Sexy actress kumpirmadong dating GRO sa exclusive club, alaga ng kontrobersyal na pulitiko!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

May pruweba raw ang isang ayaw magpapangalan na GRO na ang bini-build na sexy actress ngayon ay dating kasamahan niya sa isang exclusive club bilang GRO.

Ang madalas pa raw na maging customer ng sexy actress na ito ay kilalang kontrobersyal na politician.

Ayon pa kay Miss GRO, may mga photos siya ng sexy actress kung saan magkakasama sila sa loob ng dressing room at pati na sa bahay niya dahil paminsan-minsan ay sa kanya nakikitulog ang sexy actress dahil malayo pa ang inuuwian nito.

Kapag dumating daw ang politician, exclusive lang sa kanya ang sexy actress at sa mamahaling kuwarto sila naglalagi. Inaabot nga raw ng higit na apat na oras si politician kasama si sexy actress.

“Kaya pala noong minsan bigla na lang siyang hindi na pumasok. Sabi ay magdya-Japan na raw. After ilang months, nakita na namin sa TV. Aba, artista na ang hitad!

“In fairness, maganda naman ang babaeng ‘yan. Pero parang maraming binago sa mukha at katawan niya. Mas maganda at mas makinis siya ngayon kumpara noon. Iba na talaga kapag inalagaan ka ng pulitiko. Gumaganda ka pala talaga!” sey pa ng GRO.

Ang maganda naman daw kay sexy actress ay mabait naman daw ito at kung may utang daw ito sa kanila, binayaran niya lahat. Kaya raw nakakakonsensya kung ikakalat nila sa social media ang mga dating photos niya.

“Mabait naman ‘yan. Kaya ayoko ring ipagkalat ang mga photos niya sa cellphone ko. Ayoko siyang pagkakitaan kasi wala naman siyang masamang ginawa sa akin.

“Kung may lumabas man na old photo niya na kasama si politician, hindi sa akin galing iyon,” hugas-kamay pa ni GRO.

52 taon gulang na British actress alaga ang seksing katawan sa pagbubukid

Nag-share ang 52-year old British actress na si Elizabeth Hurley ng kanyang sikreto kung bakit hanggang ngayon ay super-sexy pa rin siya at kinababaliwan ang alindog niya ng maraming kalalakihan.

Ang sikreto ng aktres ay manual labor!

Nabigyan ng nickname si Elizabeth na “Farmer Barbie” dahil sa sanay itong magtrabaho sa farm.

Sanay daw itong mapawisan sa buong araw na pagtrabaho ng kung anu-ano sa farm kaya naman name-maintain nito ang kanyang whistle-bait figure na parating bikini-ready.

Natatawang inamin ni Hurley na isa siyang farmer at heart.

“It’s true. I don’t do much organized sport like these two do, and they both have phenomenal bodies and they work at it.

“I’ve just been more busy. I’ve just got physical things I need to get done, which works for me.

“But some people don’t have trees to chop down obviously so they use a treadmill,” diin pa niya sa maintenance sa kanyang seksing pangangatawan.

Kuwento pa ng isang kaibigan ng aktres na magaling raw ito na gumamit ng machete na gamit sa pagputol ng mga sanga ng puno at sa paghahardin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with