^

Pang Movies

Ibang award-giving bodies harapan ang anomalya!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagsimula na naman ang awards season sa industriya ng pelikula. Kahapon ay nagpalabas na ang samahan ng mga editors ng mga lehitimong diyaryo ng kanilang mga nominees para sa kanilang award, ang The Eddys. Hindi siguro magtatagal ay magbibigayan na naman ng awards ang iba pa.

Madaling araw na nang mapanood namin ang replay ng interview ni Boy Abunda sa mga kinatawan ng ilang award giving bodies. Honestly, hindi kami nasiyahan sa interview dahil ang ilan sa kanila ay kung anu-ano ang sinasabi at obviously hindi nila alam ang pinagmulan ng kanilang awards, dahil hindi nila inabot ang pasimula.

Noong una ay iisa lamang ang award giving body, ang FAMAS. Nagsimula naman iyan sa tinawag noong una na Maria Clara Awards, na ang nagtagu­yod ay ang Manila Times noong araw na pag-aari ng mga Roces. Matapos ang isang taon lang, ginawa na nito itong FAMAS. Ang nagsimula sa FAMAS ay hindi lamang mga kritiko kung hindi mga tao mismo ng industriya. Iyan ay isang aka­demya. Pero nagkaroon ng ma­ra­ming controversy riyan sa FAMAS. Isa na nga roon ang pagsasauli ng awards ng Sampaguita Pictures at ang pagtanggi nilang isali pa ang kanilang mga peliku­la simula noon.  Maraming mga usapan ng anomalya. Nagalit ang mga lider ng in­dustriya at ayaw nang sumali pa. Ang noon ay chairman ng Board of Censors na si Secretary Guillermo de Vega ang na­­ma­gitan. Nagkasundo na bukod sa mga kasapi ng FAMAS, pabobotohin din ang mga kinikilala at respetadong kritiko ng pelikula na ang tawag sa sarili nila ay Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Nagkaroon sila ng counterpart. Natuloy ang FAMAS, pero pagkatapos noon humiwalay na ang mga lehitimong kritiko at itinatag ang Gawad Urian.

Maya-maya, umangal na naman ang industriya, at naisipan na nga rin nilang magbigay ng sarili nilang Film Academy Awards, na nang malaunan ay tinawag nilang Luna Awards.

Iyong simbahang Katolika ay nagpapalabas din ng listahan ng mga pelikulang dapat pa­noorin, at dapat iwasan. Nagbigay na rin sila ng awards sa pamamagitan ng Catholic Mass Media Awards.

Iyan ang mga major award giving bo­dies, bago nagsulputan iyong kung anu-anong mga maliliit na samahan at mga iskuwelahan na nagbibigay na rin ng awards. Pero hindi nakukuntento ang mga tao sa choices kung minsan, kasabay nga noong mga usapan pa ng “favoritism” kung hindi man anomalya. Kaya naman nagsimula ang mga entertainment editors ng mga lehitimong diyaryo na magbigay na rin ng award, ito nga The Eddys. In a way, nagtagumpay naman sila dahil marami ang nagtiwala sa kanilang awards.

Ang claim ng Film Academy, kahit na nga aminado naman silang hindi masyadong napapansin ang kanilang awards dahil wala sila sa telebisyon at wala silang sponsors, sila ang industry award.

Napag-usapan din naman iyang telebisyon. Sina­sabi ng mga Manunuri na sa Cinema One na lang sila dahil ang ibang producers gustong pakialaman ang mga pinipili nilang awardees, para ma­kakuha ng sponsors. Nawawala nga naman ang in­dependence ng awards kung ganoon, dahil may nagdidikta.

Iyong Eddys, pinangangatawanan nilang wa­lang puwe­deng magdikta sa kanila kung sino ang ma­nanalo, dahil ang gusto nila ay gabayan din ang mga tao kung ano ang mahusay na pelikula.

Iyon namang personal naming opinion, hindi na lihim iyon eh. Ang tagal na namin sa industriya. Nakita na namin ang lahat ng awards na iyan. Kagaya nga ng sinabi na namin, ang mas pinagtitiwalaan lang namin ay iyong Eddys at Urian, dahil hindi sila nagpapa-impluwensiya kanino man.

Hindi mo maririnig na nagbebenta sila ng awards. Ganoon din naman ang CMMA, dahil hindi mo naman masusuhulan ang mga obispo. Iyong iba, hindi naman namin kinukuwestiyon, dahil kung iyon ba ang choices nila eh `di bahala sila. Mayroon nga lang kaming naririnig kung minsan na hindi maganda.

Pero mahirap magbintang, kahit na sabihin mong “kitang-kita ang ebidensiya”. Sabihin na lang nating pagdating sa awards, paniwalaan na lang ninyo kung sino ang gusto ninyo. Basta kami alam namin kung sino lang ang kapani-paniwala talaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with