^

Pang Movies

RS nakikilala sa pagdidirek ng mga commercial

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
RS nakikilala sa pagdidirek ng mga commercial

RS

Mabanggit ko lang itong Star Awards 2018 Best Actor na si Raymond “RS” Francisco dahil sa magaling na performance niya sa pelikulang Bhoy Intsik. Bukod kasi sa pag-arte ay magaling din si RS na kumanta at sumayaw.

Okay din sana siyang magdirek ng pelikula, pero nag beg-off siya nang alukin siya ng producer na magdirek. Hahasain daw muna niya ang mga dapat gawin ng isang movie direktor, hindi muna siya mangangahas, at ayaw niyang magyabang dahil alam niya sa sarili na hindi pa sapat ang mga natutunan niya sa first film na ginawa niya.

Pero kaya na ni RS na magdirek ng commercial, at isa sa mga ginawa niya ay ang commercial ni Aga Muhlach with his wife and children para sa famous eatery na kilala sa malinamnam na fried chicken at iba pang valued menu. So far, may offer na rin si RS para sa ibang commercial.

Panawagan kay Aya…

Halos tatlong linggo nang missing ang daughter-in-law ko na si Cheeza May Rosales Remedios na kilala rin bilang Aya.

February 26 noong pumasok siya sa kanyang trabaho sa call center na Oppum sa Taguig. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik. Nai-report na po namin at naka-blotter na sa Brgy. Dita, Sta. Rosa Laguna sa tulong ni Chaiman Jose Peping Cartano and Brgy. Tanod head Ronie Carvajal and OIC Noel Banaticla. Ganun din sa Calamba Police at Sta. Rosa Police. Tatlo ang anak niyang iniwan dito sa amin na plano kong ilapit sa DSWD, sila ay sina Simon na six years old, Seth na four years old, at Steeve na isang taong gulang pa lamang. Kung buhay pa siya, magparamdam ka naman Cheeza.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with