^

Pang Movies

Bugoy at Jon inilaglag ng kagrupo!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Bugoy at Jon inilaglag ng kagrupo!

Bugoy at Jon

Inamin daw ni Jameson Blake na talagang may indefinite suspension sina Bugoy Cariño at Jon Lucas. Ano ang dahilan ng kanilang indefinite suspension kung sinasabi nila na hindi naman totoo ang mga tsismis na nakabuntis nga sila pareho? Palagay namin ang network na ang kailangang magsalita ngayon, bakit nga ba suspended indefinitely ang dalawa kung hindi naman totoong nakabuntis sila?

Ara isang dekada nabuo ang acting!

Nagulat din kami nang may magsabi sa aming sampung taon na pala simula nang gumawa si Ara Mina ng isang serye sa telebisyon, at ngayon nga ay sinasabing babalikan na niya ang isang seryosong acting career. Mukhang nagkakasabay-sabay naman yata ang dating ng trabaho sa kanya dahil noong isang araw ay nag-celebrate naman siya ng anniversary ng kanyang itinayong negosyo, iyong Hazel Berry Cafe, na located sa Commonwealth Avenue.

Ngayon ay mukhang seryoso na naman si Ara na harapin ang kanyang trabaho. May panahon din naman kasing medyo napabayaan na niya maging ang kanyang acting career dahil sobra nga yatang na-in love siya, at saka gusto niyang siya mismo ang nakabantay sa kanyang anak.

May panahon din naman kasi na ang naging trust niya ay ang pagbibigay ng pagkakataon sa kanyang kapatid na maging artista rin. Hindi nga ba’t ipinag-produce pa niya iyon ng pelikula?

Pero marami nga ang nagsasabi sa kanya na siguro naman, ngayong nagawa na niya lahat ang ibang bagay na sa palagay niya ay dapat niyang bigyan ng priority, panahon na para muli niyang harapin ang kanyang career.

Iyong sinasabing pagbabalik niya ay ikinatuwa naman ng marami pa niyang fans na matagal na ring naghihintay na may gawin siyang project. Isa ngang kapitbahay naming fan ni Ara ang tuwang-tuwa nang malamang may gagawin na siyang serye ulit.

At sa totoo lang, kailangan naman ng industriya ng mga mahuhusay na artistang kagaya niya.

Ganda ni Liza binibenta sa Bagani!

Ilang gabi na naming napapansin, napakaraming close up shots ni Liza Soberano sa kanilang seryeng Bagani. Walang duda, gusto nilang mas mapansin pa ang kagandahan ni Liza. Hindi na naman pinag-uusapan iyon at saka wala namang ibang masasabing crush ng bayan ngayon maliban sa aktres.

Ang sinasabi nga lang ng iba, mukha namang masyadong napakaganda ni Liza para sa kanyang role. Pero hindi ba kahit na sa Hollywood naman, puro magaganda at seksing artista ang pinagaganap nila ng mga ganyang roles? At saka sa serye, hindi naman sila mga taong gubat, in fact iyong kanyang kinabibilangang tribu ay tinatawag na “taga-patag” o mga magsasaka, na isang progresibo at sibilisadong grupo.

Minsan nga lang may mga palpak na statements si Liza pero walang duda na maganda siya at mahusay naman siyang artista.

Pero hindi pa rin nagbabago ang paniniwala naming mas mukhang mandirigma at bida si Matteo Guidicelli kesa kay Enrique Gil.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with