^

Pang Movies

Piolo, Arci, Maja, Erich, Magmamahal na Araw sa Paris!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Maraming Kapamilya talents, Salve A., ang magbaba­kasyon ngayong Holy Week. Pupunta sa Paris, France sina Piolo Pascual, Arci Muñoz, Maja Salvador, Erich Gonzales at Enhong Dee para sa Kapamilya Fiesta World.

Posibleng samahan sila roon ng non-Kapamilya talents na sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.

Marami sa kanila ang first time na pupunta sa France kaya sasamantalahin na rin nila iyon para magbakasyon.

Gerald isasama si Bea sa bakasyon grande sa Greece

Greece bound naman sa pagkakaalam namin si Gerald Anderson, yes, para sa isang showbiz commitment anytime soon. Sinabi niya ito habang pino-promote ang My Perfect You with Pia Wurzbach.

Although may possibility daw na makasama niya ang rumo­red girlfriend na si Bea Alonzo, hindi ito binanggit ni Gerald. Sa halip, idiniin niya na makakasama niya ang kanyang American father, since this would be the old man’s first trip to Greece. Well, tulad niya.

Ito raw ang labis na ipinagpapasalamat, Salve A., ni Gerald sa kung anumang ‘biyaya’ ng showbiz sa kanya. Kasama niya ang kanyang mga mahal sa buhay sa kung anumang mga magagandang bagay na ini-enjoy niya ngayon.

Halimbawa na lang daw ang kanyang mother, na naka-based sa General Santos City, kapag naglam­bing ito via text  sa kanya na ibili niya ng sapatos, in an instant ay pinagbibigyan niya ito.

For the old lady, having a pair of shoes, lalo’t ga­ling kay Ge­rald, is already luxury.

God bless you with more, Gerald.

Cherry Pie hindi kinaya ang dala-dalawang serye

“Pinatay” na ang karakter na ginagampanan ni Cherry Pie Picache sa series na Asintado. Obviously, para makapag-concentrate siya sa higit na challenging role niya sa Blood Sisters na napapanood pa rin sa ABS-CBN.

Inaamin ni Cherry Pie na too taxing for her nga naman ang magtrabaho sa dalawang series. Lalo pa nga at she is single mom to her 15 year-old Nio.

Not that Nio’s dad, who is not in showbiz, do not share with Cherry Pie his supposed obligations to his son. Actually, malapit ang bata sa kanyang ama.

Masaya si Cherry Pie at ang ama ni Nio na lumalaking mabait, magalang at masinop sa kanyang pag-aaral ang bata. At matalino rin ito, base sa mga grade na monthly ay may report silang nakukuha.

As of the moment daw, kontento si Cherry Pie sa kung anumang nagaganap sa kanyang buhay, personally and professionally.

Lea hindi nagpahuli sa pakikiramay kay BB

Kahit nasa New York siya para sa isang theater performance, ipinaabot ng Filipino Broadway star na si Lea Salonga, ang kanyang pagdadalamhati sa pagpanaw ng actor na si Bernardo Bernado.

She express her condolences sa mga mahal sa buhay ni BB, as Bernado Bernardo is referred to by his friends and colleagues.

Nakasama raw niya si BB sa ilang theater performances. And he was not just good but brilliant.

Huling napanood si BB sa Me­tro Manila Film Festival (2017) entry na Ang Larawan, adaptation sa three-act English play ng National Artist na si Nick Joaquin na Portrait of An Artist As A Filipino.

Directed by Loy Arcenas, Larawan won for its lead actress, Joanna Ampil, the MMFF 2017 best actress trophy.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with