^

Pang Movies

Lucy kakandidato ring senador?!

Jun Lalin - Pang-masa
Lucy kakandidato ring senador?!

Lucy

Ang tsikang kakandidatong senador si Representative Lucy Torres-Gomez.

Ang mister naman daw niyang si Ormoc City Mayor Richard Gomez ay kakandidatong representative ng lugar nila.

True kaya ang tsikang ito?

Julia nag-solo sa Siargao

Kahapon ay kinumusta ko si Ruffa Gutierrez kung nakabalik na ba siya ng Maynila mula sa bakasyon sa Siargao island kasama ang mga kaibigan.

Nauna na raw siyang umuwi ng Maynila at naiwan pa ang mga kaibigan niya.

Pabalik na raw siya sa Maynila nang makasabay niya sa flight ang Kapamilya young actress na si Julia Barretto.

Nagkumustahan naman daw sila ng anak ni Marjorie Barretto.

Nang tanungin ko kung kasama ni Julia ang rumored-boyfriend na si Jo­shua Garcia, ang sabi ni Ruffa, alone raw ang dalaga.

“Nagkumustahan naman kami, sabi ni Julia, alone siya. Hindi ko rin naman nakita ‘yung ka-loveteam niya,” sagot sa amin ni Ruffa.

Gina kinamumuhian agad sa kamalditahan

Magtatapos pa lang ang Ika-6 Na Utos bukas, pero mukhang hindi na ang kontrabida ng series na si Ryza Cenon ang most hated ngayon ng die-hard viewers ng GMA 7.

Si Gina Alajar na kasi ang kinamumuhian ngayon ng Kapuso viewers dahil sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Bruhilda nga ang dating ng actress/director dahil sa role niya bilang nanay ni Mike Tan na hate na hate ang daughter-in-law niya na si Yasmien Kurdi na isang HIV positive sa series na ‘yon.

Hindi nga malayong matulad si Gina sa ibang mga artistang nagkokontrabida na nauuwi sa totohanan ang pagka-hate ng viewers, huh!   

Mother Lily ayaw nang magpaka-boss sa regal

Habang nasa isang coffee shop kami sa Greenhills, San Juan, tinawagan ni Mother Lily Monteverde ang kasama namin na si Annabelle Rama at nagyaya sa isang restaurant dahil nagugutom daw siya.

Pagkakita namin kay Mother Lily, nabanggit namin na nagandahan kami sa teaser ng latest movie ni Janella Salvador sa Regal Entertainment, pero hindi nga namin matandaan ang title.

“Ah, ‘yung So Connected,” sey ni Mother Lily.

Ikinuwento rin sa amin ni Mother Lily na nagsu-shooting na ngayon si Maricel Soriano para sa pelikulang ang direktor ay si Eric Quizon.

Hindi nga lang matandaan ni Mother Lily ang title at ang anak daw niyang si Roselle Monteverde ang nakakaalam sa proyektong ‘yon.

“Roselle is now the big boss. Siya na ang boss ng Regal ngayon, hindi na ako,” sey ni Mother Lily na hindi naman pinaniwalaan ng mga kaharap namin dahil knowing her, talagang tutok pa rin naman siya sa mga pelikula ng Regal, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with