^

Pang Movies

KC nakipag-tsika sa mga bata sa Marawi

YSTAR - Baby E - Pang-masa
KC nakipag-tsika sa mga bata sa Marawi

KC Concepcion

Nasa Marawi City pala si KC Concepcion kamakailan. Dinalaw niya ang mga bata na siyang labis na naapektuhan sa naganap na giyera sa kanilang lugar. Naapektuhan din ang pag-aaral ng mga ito.

Happy si KC na somehow back to school na ang ilan sa mga kabataan. And in her talk with them, she encouraged them daw to take their studies seriously, since ito ang puwedeng panlaban nila sa kahirapan at pang-aaping posibleng nararanasan nila sa kasalukuyan.

Sa isang university sa Paris nagtapos ng pag-aaral si KC.

Lucky of her, ‘di ba, Salve A.?

Eskuwelahan ni Pia nagsara na!

Guess, Salve A., kung saan tinapos ng former Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach na ngayon ay certified leading lady na ni Gerald Anderson sa currently showing movie na My Perfect You, ang kanyang secondary education? Walang iba kung hindi sa Distant Lear­ning Center ng ABS-CBN, isang certified school put up by the network, para magkaroon ng pagkakataon ang mga young talent nila na makapagpatuloy ng pag-aaral, kahit busy sila, kumbaga, with work.

Fluent in both English and Tagalog and epitome of a well-posed lady, ideal graduate na maituturing si Pia ng nabanggit na school. Sayang at obviously hindi na ipinagpatuloy ng network ang maganda sanang advocacy nilang ito.

Marami, kung sabagay, among the Kapamilya talents ang nagtapos muna ng college, bago sila talagang sumabak sa kanilang trabaho sa TV.

Isa na sa kanila si Luis Manzano, dahil ‘mandato’ kumbaga sa kanyang mommy na si Lipa Representative Vilma Santos-Recto, na magtapos muna siya ng pag-aaral bago siya mag-fulltime sa showbiz.

Luis graduated with a degree in Marketing at the De La Salle College of Saint Benilde.

Bukod sa isa siyang TV host, mayroon ding taxi business si Luis, kung saan kasosyo niya ang ilang kaklase niya noong college.

And, happily, doing very well ang kanilang negosyo.

Samantala, tapos naman ng Education course si Alex Gonzaga bago niya sundan ang yapak ng kanyang ateng si Toni. No wonder din na, bukod sa pagiging TV personality, may negosyo siya, ang Happy Cup, na isang coffee/milk tea shop sa mismong harapan ng ABS-CBN sa Scout Esquerra Street, Quezon City.

Nag-graduate rin muna ng Broadcast Jounalism si Anthony Taberna, bago siya sumabak fulltime sa TV at radio bilang host.

Mayroon din siyang restaurant business katuwang ang kanyang misis na si Rosell na may sari­ling negosyo rin.

Host si Ka Tunying ng Dos Por Dos, with Gerry Baja.

Tuwing Friday naman ay may sarili siyang TV program, ang Tapatan Ni Tunying (TNT).

Maymay at Edward may pinaghahandaang pelikula

Wow naman itong Pinoy Big Brother (PBB) champ na si Maymay Entrata, na nagkaroon recently ng photo shoot with her favorite ka-love team na si Edward Barber sa Heidelberg, Germany.

Doon din ma-meet ni Maymay ang parents ni Edward at mga kamag-anak nito.

And they all like her, ani Maymay, na ngiting-ngiti. In turn, impressed din daw siya sa mga ito.

Katatapos lang pumapel ng MayWard sa La Luna Sangre, na tinampukan din nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Richard Gutierrez.

Baka gumawa raw sila ng pelikula sa susunod nilang project.

Both are keeping fingers crossed.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with