^

Pang Movies

Mana-mana lang? Kris kinabahan sa pagiging taklesa ni Bimby!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Mana-mana lang? Kris kinabahan sa pagiging taklesa ni Bimby!

Kris Aquino at Bimby

Kaaliw ang sagutan ng mag-inang Kris Aquino at Bimby sa Instagram live nung last Tuesday kung saan ay pwedeng magtanong ang mga followers sa kanya.

Noong una ay solo lang ni Kris ang frame at nagbiro nga siya na ayaw niyang i-join si Bimby dahil kinakabahan siya sa pwedeng sabihin nito.

Pero bandang huli ay naki-join na rin si Bimby at tama nga ang ikinakatakot ni Kris sa anak. Talaga namang ikinaloka niya ang mga hirit ng bunsong anak.

Natanong kasi si Bimby kung gusto raw ba nitong maging presidente rin paglaki since as we all know ay naging presidente ang lola niyang si Cory Aquino at uncle niyang si Noynoy.

Sagot ng bagets, “no, (because) you don’t earn that much!”

Napa-“Oh my God” si Kris sa sagot ng anak, pero maya-maya, aniya ay proud naman siya dahil nagsasabi lang naman ng totoo si Bimby.

“Pero o, at least alam n’yo ha, at least, alam n’yo na walang corruption na naganap dahil sinabi niya, pag naging presidente ka, you don’t earn that much, so alam n’yo na ang mindset dito sa pamilyang ito, public service talaga,” ani Kris at pagkatapos ay sinabihan ang anak na “good job, honey. I’m proud.”

Ewan kung bakit bigla namang na-bring-up kung magkano ang sweldo ni Noynoy noong siya ay president of our country at sey ng kasama ni Kris ay tila 100 to 120 thousand pesos.

Sambit na naman ni Bimby na ikinaloka ni Kris, “a month?? Oh my God!”

Kinabahan si Kris na baka ang next dialogue ni Bimby ay ibulgar kung magkano ang kanyang kinikita kaya pinaalis na niya ang anak sa frame. Aba eh, ang laking issue nga naman kapag sinabi nito ang earnings niya sa isang buwan na for sure ay milya-milya ang layo kay Noynoy.

Umalis naman ang bagets at saka pa lang nakahinga nang maluwag si Kris.

“Hay, kinabahan na ako!” natatawang sabi ni Kris, “o, at least alam n’yo po, ha, ang bata hindi talaga nagsisinunga­ling.”

Sinabi rin ni Kris na for sure ay magba-viral na naman at pag-uusapan ang kataklesahang ito ng anak.

Samantala, ibinalita rin ni Kris na sa Aug. 17 na pala ang showing sa US ng pelikulang Crazy Rich Asians kung saan ay sinasabi ngang parte siya ng cast.

Gerald bagay na detective!

Kakaibang action film naman ang hatid ng Viva International Pictures at MVP Entertainment na Den of Thieves na pinagbibidahan ni Gerald Butler.

Tungkol kasi ito sa malaking nakawan sa Federal Reserve Bank sa Los Angeles at nakaka-suspense ang climax scene kung saan ay isasagawa na ang planong pagnanakaw hanggang sa kung paano sila nahuli.

Ipinaliwanag sa kwento na ang nananakawing $30 mil­yong dolyar na halaga ay mga unfit U.S. currency. Ang naturang mga currency ay inilalagay sa shredder araw-araw para sirain dahil nga mga unfit currency ito. Ito ang nanakawin ng grupong kung tawagin ay Outlaws bago sirain sa shredder.

Habang nanonood nga kami sa screening held last Monday night sa Robinson’s Galleria ay naikumpara namin ito sa mga acting films natin and thought na maganda ring i-remake ito sa atin. Parang bagay sa role ni Gerald Butler bilang detective si Gerald Anderson. At least, magkapangalan pa.

Ang Den of Thieves ay mula sa panulat at direksyon ni Christian Gudegast, ang brilliant writer sa likod ng worldwide smash hit na London Has Fallen at ito bale ang kanyang directorial debut.

Kasama rin sa movie si Pablo Schreiber bilang leader ng mga magnanakaw, Evan Jones, O’Shea Jackson Jr., at Curtis ’50 Cent’ Jackson.

Nagsimula nang ipalabas kahapon (March 14) ang Den of Thieves sa mga sinehan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with